Piolo Pascual confirms Written In Our Stars on hold because of Toni Gonzaga's pregnancy

Written In Our Stars lead actor Piolo Pascual reveals that the teleserye is currently on hold due to lead actress Toni Gonzaga's pregnancy.


Kinumpirma ni Piolo Pascual na on hold muna ang taping ng teleseryeng Written In Our Stars, kung saan kasama niya sina Sam Milby, Jolina Magdangal, Sarah Lahbati, at Toni Gonzaga.

Matatandaang kinumpirma ni Toni na nagdadalang-tao siya sa programang ASAP noong Linggo, April 17.

Read: Toni Gonzaga confirms pregnancy: 'I am expecting my first child.'

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Piolo sa pictorial ng bago niyang pelikulang Love Me Tomorrow, sa Studio 8 ng ABS-CBN, ngayong Martes, April 19.

Idinaan muna sa biro ni Piolo ang kanyang sagot nang tanungin tungkol sa teleserye.

“Isinusulat pa rin, isinusulat pa rin sa stars,” sabi ng matinee idol.

Hanggang sa kinumpirma na nga nitong naka-hold muna ang teleserye dahil sa pagbubuntis ni Toni.

Saad ng 39-year-old actor, “For now, yes, we’re not sure what’s gonna happen.

“Of course, we have to respect Tin [palayaw ni Toni] kasi di naman natin puwedeng pigilan yun.

“So, we’re just here, no matter what happens. Hintay lang tayo.”

Ayon kay Piolo, noong Linggo lang din niya nalamang buntis nga si Toni, na nakatrabaho rin niya sa pelikulang Starting Over Again (2014).

“Nalaman ko lang noong Sunday, salamat naman.

“We never had a chance to talk and I know what she was going through as well.”

Subalit suportado naman daw ni Piolo si Toni, lalo na’t ito ang kanyang magiging unang baby.

“But, you know, I’ll always support Tin because she’s a good friend.

“And we have to give our time because first baby rin naman [niya] ito.”

Idinagdag din ni Piolo na dapat ay mas bigyang prayoridad ni Toni ang kanyang pagbubuntis, at makapaghihintay naman ang teleserye para sa kanya.

“Oo naman, work can always wait. Pero yung life, hindi makakapaghintay 'yan.”

Matatandaang Pebrero nitong taon unang naibalita sa PEP ang pagbubuntis ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP SCOOP. Toni Gonzaga is pregnant!

Dahil dito, lumabas ang ugong-ugong na maaaring ma-shelve ang Written In Our Stars, na siyang kasama sa mga teleseryeng ilalabas sana ng ABS-CBN sa first quarter ng 2016.

Sinabi naman ni Jolina Magdangal sa isang interview na nahinto ang taping ng teleserye dahil may inaayos pa raw sa script nito.

Read: Jolina Magdangal neither confirms nor denies Toni Gonzaga's pregnancy

Sa kasalukuyan, ang ilang artistang bahagi ng Written In Our Stars ay may ginagawa ring ibang proyekto: si Sam Milby ay bahagi ng Doble Kara, ang child actor na si Marco Masa ay isa sa mga bida ng My Super D, at si Jolina ay host ng bagong morning show na Magandang Buhay.

Si Toni naman ay napapanood pa rin sa ASAP, Home Sweetie Home, at I Love OPM bilang judge.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN