James Yap sends message of love to son Bimby on his birthday

Nagdiwang ng kanyang ika-9 kaarawan si Bimby Aquino Yap kahapon, April 19. Sa pamamagitan ng Instagram, binati siya ng kanyang ama na si James Yap at sinabing nami-miss na niya ito.

 


Ipinagdiwang ni James 'Bimby' Aquino Yap Jr. ang kanyang ika-9 na kaarawan kahapon, April 19.

Wala pang post ang ina ni Bimby na si Kris Aquino sa social media, pero ang ama nitong si James Yap ay nagpaabot na ng mensahe sa anak sa pamamagitan ng Instagram.

Sabi ng PBA player, “Ambilis talaga ng panahon. 9 years old ka na Bimb!

“I miss you and I love you. Mahal na mahal ka ni Papa.

“Happy 9th birthday!!!”

Matagal-tagal na ring hindi nagkikita ang mag-ama kaya halata sa mensahe ni James na nami-miss na nito ang anak nila ni Kris.

Read: James Yap spends advance Father’s Day celebration with son Bimby

Sa kasalukuyan ay buntis ang Italian girlfriend ni James na si Michela Cazzola sa kanilang magiging anak.

Lalaki ang magiging kapatid ni Bimby sa ama.

Read: James Yap and Michela Cazzola expecting a baby boy


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN