Nadine Lustre defends boyfriend James Reid on 'playboy' tag

Hindi raw mahalaga para kay Nadine Lustre ang opinyon ng ilang tao na 'for show' lang ang relasyon nila ni James Reid. Ipinagtanggol din niya ang nobyo laban sa mga nagsasabing babaero ito.


Ipinagtanggol ni Nadine Lustre and boyfriend na si James Reid laban sa mga akusasyong isa itong playboy.

Ito ay kaugnay ng 15-second Instagram video na lumabas noong April 2, kung saan kasama ni James ang ilang mga kaibigan, kabilang na ang dalawang babae.

Read: James Reid draws flak over 15-second Instagram video with two girls

Ayon sa panayam ni Boy Abunda kay Nadine sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN nitong Martes, April 19, kilala niya ang mga kasama ni James sa naturang video kaya walang naging problema sa kanilang dalawa.

Sabi ng Kapamilya actress, “Hindi naman playboy.

"Regarding the video, yung mga nandoon naman po sa video, kilala ko naman po kung sino yung nandoon sa bar.”

Binuweltahan din ni Nadine ang mga taong hindi naniniwala na 'for real' talaga ang relasyon nila ni James.

Sabi ng This Time star, “Well, if kung ayaw naman nila maniwala, it’s up to them.

“Basta ang importante po, me and James, we know what’s real and we know the truth.

“That’s what’s important.”

Umamin sina James at Nadine na may relasyon na sila sa ginanap na JaDine in Love concert sa Smart-Araneta Coliseum noong February 20.

Read: James Reid and Nadine Lustre now officially a couple


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN