Cannes winner Jaclyn Jose shrugs off critics of her Best Actress award

Jaclyn Jose holding her Best Actress trophy from the prestigious Cannes Film Festival. The veteran actress reveals to the press that she worked hard for her memorable final scene in Ma' Rosa, which the jury took notice.


Dalawang araw mula nang tanghalin siyang Best Actress sa 69th Cannes Film Festival sa France ay nakabalik na ng Pilipinas ang veteran actress na si Jaclyn Jose.

Nanalo si Jaclyn para sa mahusay niyang pagganap sa pelikula ni Brillante Mendoza na Ma' Rosa.

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Pagbalik ng aktres sa bansa ay sumalang agad siya sa isang presscon dahil kasama siya sa cast ng upcoming comedy series ng GMA Network na A1 Ko Sa 'Yo.

At gaya ng inaasahan, nasentro ang usapan tungkol sa pagkapanalo niya bilang Best Actress sa Cannes.

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Jaclyn tungkol sa mga kritikong hindi pabor sa kanyang pagkapanalo at sinabing supporting role lang siya sa Ma' Rosa.

Tugon niya, “If you see the film, you'll say it's not a supporting [role]. You'll see.”

Kaugnay ng isyung ito, una nang nagsalita ang members ng Cannes jury at ipinagtanggol ang pagkakapili nila kay Jaclyn.

Read: Cannes 2016 jury defends Jaclyn Jose's win as Best Actress

Ang jury ay binubuo ng mga respetadong alagad ng sining mula sa iba't ibang bansa; kabilang ang Hollywood personalities gaya nina George Miller (Mad Max director), Kirsten Dunst (Melancholia), Mads Mikkelsen (Hannibal), at Donald Sutherland (The Hunger Games).

Sa nasabing press conference, binanggit ni Sutherland ang huling eksena sa Ma' Rosa kung saan makikita si Jaclyn na kumakain ng fish balls.

Sang-ayon si Jaclyn na ito ang eksenang nagpanalo sa kanya.

Sabi niya, “Tingin ko rin, yun nga rin. Pinaghirapan ko yun, ha. Kinarir ko yun.

“Kailangan di mahalata ni Dante na [hindi umaarte]... low key. Kailangan di umaarte.”

Nakapukaw rin ng atensiyon ng marami ang display of affection ni Jaclyn at ng anak niyang si Andi Eigenmann nang ianunsiyo ang pagkapanalo niya.

Hanggang sa stage ay kasama si Andi para sa acceptance speech ng ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Jaclyn, “Ang alam namin, wala kaming panalo.

“So, sabi ko, 'Andi, mag-pack tayong maaga, ha, kasi bukas daan pa tayong Cannes, bili pa tayong souvenir,' sabi ko.

“So, we just thought we're gonna go home early.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN