Baron Geisler mends fences with UP students: "Cool na kami. God has a greater plan."

Baron Geisler: "Magiging bago na ang administrasyon natin dito sa Pilipinas. Malamang makikita nila ang pagbabago rin ng isang Baron Geisler."


Bago nangyari ang gulong kinasasangkutan ngayon ni Baron Geisler, naikuwento muna nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkabati na sila ng estudyanteng si Khalil Versoza at mga kasama nito.

Read: Baron Geisler involved in altercation with indie film actor Kiko Matos

“Okey na kami.  Cool na kami," sabi ni Baron nang kumustahin nga ito ng PEP tungkol sa kanila ng nabanggit na estudyante.

“Actually, nag-videoke na kami, kung makikita ninyo yung status ko sa Facebook, yun yung last."

Ang tinutukoy ni Baron ay ang nai-post niyang video sa kanyang Facebook, kunsaan makikitang masaya silang nagbi-videoke ng estudyanteng si Khalil.

“Nag-videoke na kami… Okey na kami ni Khalil.

“Basta, bati na kami, ang masasabi ko lang, God has a greater plan.”

Matatandaang kumalat sa Facebook ang video ni Baron habang nakikipag-away sa isang estudyante. Kinuha raw si Baron ng mga estudyante para sa isang proyekto, ngunit nakaalitan nga ng mga ito ang aktor.

Read: Baron Geisler altercation with students caught on video

Hindi ito ang unang pagkakataong nakuhanan ng video si Baron na naghahamon nang away. 

Dahil sa mga ganitong isyu nahuhusgahan ang aktor.

“Ngumingiti lang ako,” matipid niyang sambit.

Nakausap si Baron ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nong Miyerkules, May 25, sa welcome dinner party sa Shangri-La Makati na ibinigay ng Solar Entertainment big boss na si Wilson Tieng para sa buong staff at cast ng Ma' Rosa.

May mga isyu man si Baron at kilalang bad boy sa showbiz, hindi pa rin siya nawawalan ng movie at TV projects. 

Mahal pa rin siya ng industriya, “Kasi mahal ko rin naman sila, e.”

Bakit ba sa tingin niya ay misunderstood siya?

Sagot ng aktor, “Kasi yun lang ang gustong makita ng tao. 

“Kailangan siguro bigyan ng kaunting pagbabago,

“Lalo na magiging bago na ang administrasyon natin dito sa Pilipinas. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malamang makikita nila ang pagbabago rin ng isang Baron Geisler.”

Anong pagbabago ito?

“Tignan po natin. Hindi natin masasabi.”

Hindi raw nasasaktan si Baron sa mga nanghuhusga sa kanya.

Pero diin niya hindi niya sinasakyan ang negatibong atensyong nakukuha niya sa mga isyu na kinasasangkutan.

Komento ng Kapamilya actor, “Of course not, sino ba namang sira ang ulong i-enjoy yung ganon.

“Sira ulo na lang ang nagi-enjoy non.”

CANNES DREAM. Samantala, kasama sa cast ng Ma' Rosa si Baron pero hindi siya nakasama sa grupo na dumalo sa 69th Cannes Film Festival sa pamumuno ng direktor na si Brillante Mendoza at lead star na si Jaclyn Jose, ang itinanghal na Best Actress sa filmfest.

“Ito na sana yung pagkakataon na makapunta at makasama ako sa Cannes sana," panghihinayang na sambit ni Baron.

“Pero I’m just a support here, I’m just supporting the film, I love the film, I’m believing in it. 

“Someday makakabalik naman ako doon.

“But because hindi ako nakapunta doon at hindi pa, pangarap ko po yun.

“I was doing projects na nauna.”

Umaasa ba si Baron na makikilala rin ang husay niya sa pag-arte sa isang international competition

Sagot niya, “I don’t do it for the recognition.  I do it for my heart, for the art.

“I do it for the craft, that’s it, period.

“Of course, sino bang artista ang hindi nangangarap na hindi magkaroon ng ganon. 

“Plastik ka na lang kung hindi, pero marami pa namang pagkakataon.

“Thirty-three pa lang ako, marami pang pagkakataon.

“Si Ms. Jaclyn Jose nga, it took her how many years…”

Maliban sa mga shows at pelikulang gagawin, plano rin ni Baron na magkaroon ng painting exhibit bago matapos ang taon. 

Pinag-iisipan pa niya kung magsu-solo siya o sasama sa isang grupo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN