Ruffa Gutierrez reveals how she was able to move on from breakup with John Lloyd Cruz

Ayaw raw magbigay ng payo ni Ruffa Gutierrez kay Angelica Panganiban kung paano maka-move on sa breakup nila ni John Lloyd Cruz dahil hindi siya aware sa sitwasyon nito. Pero para sa ibang mga kababaihan na dumanas ng kabiguan sa pag-ibig, mensahe ni Ruffa, "Iiyak mo lang siya nang bonggang-bongga. After mong iiyak nang bonggang-bongga, stand up, pick up yourself, and move on."


Halos limang buwan nang hiwalay sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, pero aminado ang aktres na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang mag-move on.

Halos apat na taon ang itinagal ng relasyon ng dalawang Kapamilya stars na nagtapos nitong January 2016.

Read: Angelica Panganiban still struggling to move on after breakup with John Lloyd Cruz

Kaya naman hindi rin maiwasang matanong si Ruffa Gutierrez tungkol sa pagmu-move on dahil ilang taon na ang nakararaan ay naugnay rin siya kay John Lloyd at naghiwalay rin sila.

May maaari ba siyang ibigay na payo kay Angelica kung paano mag-move on mula sa breakup nila ni John Lloyd?

Natatawang sabi ni Ruffa, “Wala akong advice!

“Hindi pa ba [naka-move on]? Hindi ako aware, as in ano, I have no idea talaga.

“But I think ang masasabi ko na lang, ang advice ko sa lahat ng mga babae... I don’t wanna give her [Angelica] ‘coz I don’t know her situation.

“Ang advice ko sa mga babae when it comes to love [breakup], iiyak mo lang siya nang bonggang-bongga.

“After mong iiyak nang bonggang-bongga, stand up, pick up yourself, and move on.

“Because I think a guy will appreciate you more if you’re strong and he sees you’re moving on.”

May itinakda ba siyang panahon o tagal ng pagdadalamhati mula sa isang nasirang relasyon?

Muling natawa ang actress-TV host.

Sabi niya, “Hindi pa kasi ako iniiwan, e, ako yung nang-iiwan.

“So, sila umiiyak, hindi ako. Umiiyak ako, actually I’m baliw.

“Ako yung nang-iiwan, after a while, ako yung sad kasi kapag may nabalitaan ako, ‘Ay, there’s something else or someone new.’

“Parang, 'Oh my God, that supposed to be mine.'

“May pagka-baliw ako.”

So, siya ba yung nang-iwan kay John Lloyd noong February 10, 2010?

Natatawa pa rin siya sabay sabing, “Hindi yun. I’m just saying in general. Grabe ka!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PART 1. Ruffa Gutierrez explains why her relationship with John Lloyd Cruz ended

Paano siya nag-move on dun?

Maiksing sagot niya, “Alam mo, I only cried for two days.”

Nakausap ng PEP si Ruffa sa presscon ng iniendorso nitong Cosmo Skin anti-aging and whitening products, nitong Huwebes, June 2, sa isang restaurant sa Quezon City.

NO PROBLEM WITH ANGELICA. Nitong nakaraang Holy Week ay aksidenteng nagkatagpo sina Ruffa at John Lloyd sa Hong Kong.

Kuwento ni Ruffa, “Alam mo, nagkita lang kami biglaan, ‘Hi, hello,’ ganun lang.

“Typical showbiz, like I also bumped into Aga [Muhlach] and Charlene [Gonzalez].

“I don’t have any problems na with JL, like now, kung makita ko siya diyan, I’ll say, ‘Uy hello.’

“Wala naman kaming problema.”

Kay Angelica?

“Wala rin kaming problema,” sabi niya.

Samantala, masaya naman si Ruffa sa Star Asia award ni John Lloyd sa New York Film Festival.

Aniya, “E, di bongga. It’s not surprising, mahusay naman talaga siyang artista.”

Read: John Lloyd Cruz, first Southeast Asian to get Star Asia Award in New York film fest


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN