Is this Clarissa Sison's answer to Sunshine Dizon's accusations?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumulutang si Clarissa Sison (kaliwa), ang babaeng diumano'y dahilan ng paghihiwalay ni Sunshine Dizon at ng asawa nitong si Timothy Tan. Ngunit may mangilan-ngilang account sa social media na nagtataglay ng kanyang pangalan na nananawagang huwag daw kaagad siyang husgahan.


Naglabas ng pahayag ang isang nangangalang 'Clarissa Soriano-Sison' sa kanyang Facebook account tungkol sa pagkakadawit niya sa hiwalayan ng mag-asawang Sunshine Dizon at Timothy Tan.

Hindi kumpirmado kung account nga ito ng taong tinukoy ni Sunshine na diumano’y third party sa nasira nilang pagsasama ni Timothy.

Ayon sa nagngangalang 'Clarissa,' dapat daw ay hindi paniwalaan ng lahat ang mga nababasa nila sa Internet.

Dagdag pa niya, artista si Sunshine kaya wala siyang laban dito.

Pero humihingi siya ng pang-unawa at huwag daw kaagad siyang husgahan.

Narito ang buong pahayag ni 'Clarissa':

“THIS IS MY OFFICIAL STATEMENT:

“Do not believe everything that you see on the Internet. Ano nga bang laban ko di ba?

“Artista yung humihingi ng [simpatiya] sa inyo but please, do not judge me agad if you don't know what really happened.

“Good night everyone! Thank you for your messages, keep them coming.

“I don't care because I know I did not do anything wrong.”

Matatandaang nitong nakaraang Biyernes, June 17, ibinahagi ni Sunshine ang larawan ni Clarissa Sison sa kanyang Instagram account, kung saan isiniwalat niya ang naging papel nito sa buhay ng asawang piloto.

Read: Sunshine Dizon posts cryptic messages on Instagram about mystery woman

Sa hiwalay na pahayag ay kinumpirma na rin ni Timothy na may problema nga ang samahan nila ni Sunshine at napagkasunduan daw nilang mag-file ng annulment.

Read: Sunshine Dizon's husband confirms marital problems; reveals plan to file for annulment

Ngunit sa pinakahuling Instagram post ng aktres ay sinabi nitong hindi niya ibibigay ang kahilingang annulment ni Timothy.

Read: Sunshine Dizon to husband Timothy Tan: 'There is no forgiveness for what you did.'

Lagpas anim na taon ang itinagal ng pagsasama nina Sunshine at Timothy na nagpakasal noong March 20, 2010.

Hanggang ngayon, hindi pa lumulutang ang babaeng pinararatangan ni Sunshine

Lahat ng @clang_sison sa Instagram at Twitter ay malinis na at kakaunti na lamang ang mga post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Clarissa Soriano-Sison tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN