Kakai Bautista has yet to move on from breakup with Ahron Villena

Kakai Bautista: "I'm proud to be a decent woman. Kaya kong sabihin yun without any hesitation, because I am. I try to be a decent woman. I try to live decent. I work na lahat ako ang naghihirap. I don't use people."


“It’s better that we cut the ties.”

Ito ang sabi ng comedienne-singer na si Kakai Bautista tungkol sa na-link sa kanyang aktor na si Ahron Villena.

Hindi man inamin ng dalawa noon na naging magkasintahan sila, kinumpirma ni Kakai na nagkaroon sila ng special relationship.

“We were enjoying each other’s company, we were good friends.

“Whatever it was, it was special and we were happy,” pahayag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kakai sa press conference ng Conan My Beautician, ang upcoming GMA-7 weekly series na pinagbibidahan nina Mark Herras at Megan Young, kagabi, June 21.

Magsisimula ang nasabing weekly series sa Linggo, June 26, 5 P.M.

KAKAI ON MOVING ON. Noong Marso, nag-post si Ahron ng isang mensahe para kay Kakai via Instagram na sinasabing na-friendzone ang komedyante.

Read: Ahron Villena friendzoned comedienne Kakai Bautista

Binura rin ng aktor ang Instagram photos nila ni Kakai.

Kinumusta ng PEP si Kakai kung naka-move on na siya matapos nilang maghiwalay ng kanyang “special” friend.

“Andami nagsasabi na ‘Mag-move on ka na!’ E, di kayo!

“Lahat naman kasi dadaan sa ganun.

“Di ako nagwa-wallow sa pain, sa sadness, sorrow.

“Dadaan lang ako dun, tapos aalis ako dun.

“Wala namang taong di naging tanga sa pag-ibig, hello!

“Kaya huwag silang magmagaling sa akin, magmaganda na naka-move on kaagad.

“Ano ka, Taylor Swift?

“Kahit naman si Taylor Swift, meron pa rin yun, tao ka lang din.

“Kailangan mong pagadaanan yun kasi hindi ka dya-jump sa umiyak ka, tapos nag-move on ka na agad.

“Dadaan ka pa sa phase. Withdrawal stage.

“I'm letting myself go through those phases and stages.”

Dagdag pa niya, “I’m okay. I’m getting there. Hindi naman kasi madali yun.”

KAKAI ON MYSTERY GIRL. Natanong din si Kakai kung ano ang masasabi niya tungkol sa mystery girl na iniuugnay ngayon kay Ahron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ilang posts ni Ahron ay makikita ang chinita girl na sinasabing 'mystery girl' ni Ahron.

Read: Cacai Bautista defends Ahron Villena: 'He's not gay.'

“That girl, baka ano masabi ko sa kanya, e!” natatawang sabi ni Cacai.

Patuloy niya, “Meron lang talaga kasing mga tao na hindi mapirmi sa isa. May mga ganun talaga.

“I would like to be honest about that girl. Kasi, she knows it.

“She knows who she is, she knows what she does. And that’s the way she is.

“Ano’ng gagawin ko, mas gusto niya ang ganung klaseng tao?

“Ako, I can walk everywhere, I can talk to people na hindi ako mahihiya, na wala akong inagrabyadong tao o wala akong sinirang relasyon o sinirang kaibigan.

“Karma’s a bitch. If that makes her happy to hurt people, then be it.”

DECENT WOMAN. Sabi pa ni Kakai, mayroon naman siyang suitors ngayon.

“Meron din naman talagang nanliligaw sa akin, di lang ako two-timer... ang dami kasing two-timer,” parinig pa niya.

“Marunong akong pumirmi sa isa, di ako excited magkadyowa.

“Hindi ako taeng-tae sa mga lalaki, di ba? Kaya kong mabuhay nang walang lalaki.

“Tsaka I’m proud to be a decent woman.

“Kaya kong sabihin yun without any hesitation, because I am.

“I try to be a decent woman. I try to live decent.

“I work na lahat ako ang naghihirap. I don’t use people. “

ON AHRON’S SEXUALITY. Hindi man sila nag-uusap, sinabi ni Kakai na ipagtatanggol pa rin niya si Ahron sa mga bumabatikos dito.

“Ipagtatanggol ko pa rin siya hanggang ngayon.

“Okay naman, pero there’s no reason for us to talk or parang ayusin pa.

“Wala. Di naman aayusin.

“I’m okay, parang he can do whatever he wants.”

Nilinaw rin ng komedyana na tunay na lalaki si Ahron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, naku, wala akong kaduda-duda na lalaki yun, I know it.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN