Jasmine Curtis-Smith to protective AlDub fans: "Wag na tayo mag-away."

Jasmine Curtis-Smith answered bashers who continue to criticize her due to a previous interview regarding the movie Imagine You and Me. The Kapatid actress also asked fans to stop the negativity and hate, and spread positivity instead.


Itigil na ang pagiging negatibo at ang pag-aaway.

Ito ang mensahe ni Jasmine Curtis-Smith sa ibang fans ng AlDub (Alden Richards-Maine Mendoza loveteam) na patuloy pa rin ang pagbabatikos sa kanya dahil sa isang previous interview.

Kasama si Jasmine sa pelikula nina Alden at Maine, ang Imagine You And Me, na magbubukas sa mga sinehan sa darating na July 13.

Matatandaang hindi direktang inamin ni Jasmine na kasama siya sa nasabing pelikula nang tanungin siya sa isang press conference noong June 21.

Read: Is Jasmine Curtis Smith promoting Imagine You And Me?

Sa sumunod niyang interview pagkalipas ng ilang araw, kinumpirma ng aktres na kasama nga siya sa Imagine You And Me.

Nagpaliwanag din siya kung bakit hindi niya naamin noong una siyang matanong tungkol dito.

Ito ay dahil naghihintay pa raw siya ng go-signal mula sa producers ng pelikula at inabisuhan din siya noong una na isikreto muna ang partisipasyon niya sa proyekto.

Pero hindi ito nagustuhan ng ilang fans at binato ng kung anu-anong paratang ang aktres, gaya ng "bobo," "plastic," at "ingrata."

Read: Jasmine Curtis-Smith gets mixed reactions from AlDub fans; thanks fans who understand

JASMINE: STOP FIGHTING. Noong nakaraang Biyernes, July 1, ay ginanap ang presscon ng Imagine You and Me at nag-post ng larawan si Jasmine tungkol sa event na dinaluhan niya.

Earlier tonight at the press con for #IYAM ???? Out in cinemas on July 13!

A photo posted by Jasmine (@jascurtissmith) on

Sa comment section, muling nakiusap ang Kapatid actress sa ibang fans na itigil na ang pagiging negatibo at sinabi pang huwag nang mag-away.

“To everyone commenting negatively or trying to just be a protective fan, let's not bring negativity here.

“Masaya kaming cast at looking forward ibahagi sa inyo ang aming pelikula.

“Wag na tayo mag-away. Everyone is beautiful, regardless of what anyone says!!!”

Dagdag pa ni Jasmine, binura rin niya ang mga negatibong komento.

“PS. I deleted the nega comments na para tapos na dapat positivity lang ang buhay! Let’s set a great example!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ito, ipinost ni Jasmine sa kanyang Instagram account noong June 29 ang larawan niya kasama sina Alden, Maine, at ang napapabalitang boyfriend niya na si Jeff Ortega.

Tila kuha ang nasabing larawan sa Italy kung saan sila nag-shoot ng mga eksena.

Sa comment section, sinagot ni Jasmine ang ilang akusasyon sa kanya.

Una na rito ang hindi umano niya pagpu-post nang mas maaga upang i-promote ang pelikula, kaya inakusahang hindi siya proud sa pelikula.

Sagot ni Jasmine, “Dahil lang sa hindi nag-post, ibig sabihin di na proud?

“My dear, hindi lahat kailangan ilantad sa social media.

“Lahat ‘yan may timing sa post at waiting for go-signal when it comes to work related postings.

“Broaden your mind before you start speaking.

“I don't care for the bashing, sila lang naman nakakakuha ng satisfaction duon.

“I care more for the support for FILIPINO FILMS and growing artists like myself and AlDub.”

Nagpasalamat naman si Jasmine sa lahat ng nakakaunawa sa kanya at muling tinalakay ang isyu ng hindi agad pagkumpirma na kasama siya sa pelikula ng AlDub.

“Thank you sa lahat ng nakakaintindi bago pa man ako nag-post o nagpa-interview ulit para ipaliwanag sa mga hindi nakakaintindi.

“Ginagawa ko lamang ang trabaho kong minamahal at sinusunod ang mga bilin ng na sa kataas-taasan.

“I only apologize to those I have innocently offended (and did not take t against me rather, tried to comprehend me) but I do NOT apologize for following orders given to me.

“I complied with the rules because I did not want to disrespect anyone even under pressure we all want the same thing which is success for the film kaya instead of focusing on one interview of someone that you call "bobo/plastik/ingrata/tanga" maybe you should focus your attention on the progress of Filipino films and the artists you support. #STOPTHEHATE

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, may AlDub fans namang nagpahayag ng suporta kay Jasmine at sinabing nauunawaan nila ang aktres.

Binalaan din ang aktres sa mga umano’y mga nagpapanggap na AlDub fans na ang intensiyon lamang ay sirain ang sikat ng love team.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN