Vilma Santos on third-party issue involving son Luis: "Baka parte na 'yan ng promo."

IMAGE Noel Orsal

Lipa City Representative Vilma Santos on Luis Manzano dating FHM Sexiest Women: "Hindi naman niya kasalanan yun e hindi naman siya puwedeng mag boyfriend-girlfriend mag-isa. O baka naman hindi kaya mabuting tao yung anak ko kaya minamahal siya."


Nagbigay na ng pahayag ang Lipa Representative na si Vilma Santos tungkol sa namumuong relasyon sa pagitan ng anak niyang si Luis Manzano kay Jessy Mendiola.

Matatandaang Pebrero sa taong ito nang naghiwalay si Luis at ang dating kasintahang si Angel Locsin kaya lumabas kamakailan ang anggulong may third party.

Read: Jessy Mendiola cries foul over Angel Locsin's statement about her and Luis Manzano

Nakapanayam ng ABS-CBN entertainment correspondent na si Mario Dumaual si Vilma sa 17th Congress Neophyte Fellowship Dinner nitong nakaraang Huwebes, July 21.

Ito ay matapos pormal na ipinakilala ni Luis sa kanyang ina si Jessy sa kanilang bahay sa Alabang.

Sinabi ni Ate Vi na pinayuhan pa niya ang mga ito na 'wag nang patulang ang isyu.

Aniya, "It's just napagpiyestahan lang masyado. That's why I was telling them, 'Be calm, relax kayo. Wag nang patol nang patol.'"

Read: Luis Manzano reveals mom Vilma Santos invited him and Jessy Mendiola for dinner

Naniniwala naman ang actress/public servant na malalampasan ni Luis ang isyung ito lalo't wala siyang nakikitang masama sa ginagawa niya.

Pahayag ni Ate Vi, "Naniniwala ako sa anak ko, sa kakayahan ng anak ko. Sa edad niya, kaya niyang dalhin ang sarili niya."

Wala rin naman daw kasalanan si Luis kung bakit puro FHM Sexiest winners ang nakaka-date nito.

"Hindi naman niya kasalanan yun e hindi naman siya puwedeng mag boyfriend-girlfriend mag-isa," sabi ng congresswoman saka nito dinugtong, "O baka naman hindi kaya mabuting tao yung anak ko kaya minamahal siya?"

Nang tanungin kung mananatili silang magkaibigan ni Angel, walang pag-aatubiling sagot ni Vilma, "Yes, yes naman!"

Biro pa niya, baka parte lang daw din ito ng promo dahil lumabas ang isyu sa kalagitnaan ng announcement ng bagong film project ni Angel na The Third Party.

Sabi ng Vilma, "Baka parte na 'yan ng promo. Sanay na ho ako diyan. Diyos ko, for more than 50 years! Kaya bayaan na lang natin. Give it siguro po, isang linggo, dalawang linggo, ibang news na 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, nais raw munang mag-focus ni Ate Vi sa kanyang bagong trabaho bilang congresswoman, "It's a different world!"

Nakatakda namang makatrabaho ni Ate Vi si Jasmine Curtis-Smith sa isang pelikula na ididirek ni Quark Henares.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN