Luis Manzano reveals mom Vilma Santos invited him and Jessy Mendiola for dinner

IMAGE Facebook

Ipinaliwanag ni Luis Manzano na ang pagkikita ng kanyang ina na si Rep. Vilma Santos at ang nali-link ngayon sa TV host-actor na si Jessy Mendiola ay may kinalaman sa pamba-bash na natatanggap nila ngayon ng aktres mula nang aminin nilang nagdi-date sila.


Sumagot at nagpadala ng maiksing mensahe si Luis Manzano sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang ipaliwanag ang tungkol sa viral photo, kung saan magkasama ang kanyang ina na si Lipa City Rep. Vilma Santos at ang nali-link sa kanya ngayong si Jessy Mendiola.

Read: Vilma Santos meets son Luis Manzano's rumored new GF Jessy Mendiola

Sa mensaheng ipinadala ng Kapamilya TV host-actor ngayong Huwebes ng gabi, July 21, sinabi niyang inimbitahan silang dalawa ni Jessy ni Ate Vi para kumustahin dahil sa mga isyung kinakaharap nila.

"My mom just invited us for dinner to talk and check up on me and also to meet and check up on Jessy regarding all the unwarranted bashing going her way," mensahe ng Minute To Win It host sa PEP.

Pinag-usapan kamakailan ang pag-amin nina Luis at Jessy na nagdi-date sila.

Pero lalong uminit ang isyu matapos magbigay ng pahayag si Angel Locsin, ex-girlfriend ni Luis, tungkol sa pagdi-date nina Luis at Jessy, at sumagot pa si Jessy sa pahayag ni Angel.

Read: Angel Locsin on Luis-Jessy romance: 'Kung ine-enjoy nila yung moment na yun, e, di good job!'

Read: Jessy Mendiola cries foul over Angel Locsin's statement about her and Luis Manzano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN