Jessy Mendiola on real score with Luis Manzano: Hindi pa kami!

IMAGE Nikko Tuazon

FHM Philippines' Sexiest Woman for 2016 Jessy Mendiola on meeting rumored boyfriend Luis Manzano's mother, Cong. Vilma Santos: "Sobrang kinabahan ako, pero sobrang bait kasi niya. So, nakakatuwa, kasi pagpasok ko pa lang dun sa bahay nila, sobrang welcome na, ganyan. I can attest na talagang mabait si Congresswoman Vi."


“Hindi pa!”

Ito ang sagot ni Jessy Mendiola nang tanungin ng press kung sila na ba ni Luis Manzano.

Kailan sila aamin sa kanilang relasyon?

Natatawang sagot ng Kapamilya actress, “Pag yun na!”

May patutsada pa si Jessy sa mga tila nagmamadali na maging sila: “A, e, kasali ba sila sa relasyon?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Jessy sa FHM Philippines' 100 Sexiest Women Victory Party, na ginanap sa Valkyrie Super Club, sa Taguig City, nitong Martes ng gabi, July 26.

Si Jessy ang itinanghal na Philippines' Sexiest Pinay ngayong 2016, matapos makakuha ng mahigit 580,000 poll votes at talunin ang nakaraang titleholder na si Jennylyn Mercado.

Inimbita ba niya si Luis upang panoorin ang pagrampa niya sa FHM 100 Sexiest Victory Party.

Pabirong sagot ni Jessy, “Bakit ko siya i-invite?”

Pero sabi rin niya, busy raw si Luis sa kanyang projects kaya hindi na niya ito inistorbo pa.

“Hindi, actually may taping ata siya ngayon.”

GONG. VILMA SANTOS. Tinanong na rin ng press si Jessy tungkol sa dinner kung saan nakilala niya ang ina ni Luis na si Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Noong Huwebes, July 21, naganap ang nasabing dinner sa bahay ng Star For All Seasons sa Alabang.

Read: Vilma Santos on third-party issue involving son Luis: 'Baka parte na 'yan ng promo.'

Ayon kay Jessy, kinumusta siya ni Ate Vi nang personal niya itong makausap matapos siyang batikusin dahil sa kanyang pagkakaugnay kay Luis.

Nagbigay rin daw ito sa kanila ng payo kung paano panghawakan ang mga ganitong klase ng problema.

Kuwento ni Jessy, “They actually invited me for dinner, tapos yun nga, she was kind enough to ask me how I was.

“Tapos, yun, she advised us to just be happy and as long as wala kaming ginagawang masama, we just go on with our lives.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinanggi ni Jessy na kinabahan siya nang makaharap niya sa Ate Vi, ngunit napabilib daw siya sa kabaitang ipinakita nito sa kanya.

“Sobrang kinabahan ako, pero sobrang bait kasi niya.

“So, nakakatuwa, kasi pagpasok ko pa lang dun sa bahay nila, sobrang welcome na, ganyan.

“I can attest na talagang mabait si Congresswoman Vi.”

ANGEl LOCSIN. Samantala, sinubukan din ng press na kunan ng pahayag si Jessy tungkol sa naging reaksiyon niya sa statement ng dating girlfriend ni Luis na si Angel Locsin.

Hindi kasi napigilan ni Jessy ang sarili na umalma sa naging statement ni Angel tungkol sa pakikipag-date niya kay Luis.

Read: Jessy Mendiola cries foul over Angel Locsin's statement about her and Luis Manzano

Pero ayon sa aktres, hindi na niya nais dagdagan pa ang nauna niyang pahayag.

“Actually, I promised myself, and the people around me na that's the last time I will answer that issue.”

Inamin ni Jessy nadala siya sa bugso ng kanyang damdamin kaya nakapagbitaw siya ng ganung salita, ngunit hindi niya binabawi ang kanyang mga sinabi.

“Siguro at that time, I was very hurt.

“And you know how people are when they are hurt, sad, angry or whatever.

“They get to say things that are not really well-thought-of.

“But siguro, yun kasi yung nararamdaman ko at that time. Sad to say.”

Nang tanungin kung may hinanakit pa siya kay Angel, tumanggi nang sumagot si Jessy.

FHM SEXIEST PINAY. Punung-puno naman ng saya at pasasalamat si Jessy matapos nitong rumampa sa FHM Philippines' 100 Sexiest Women Victory Party kagabi.

Ito ang unang beses na rumampa ng Kapamilya actress sa FHM 100 Sexiest Victory Party, at aminadong kinabahan siya.

Humingi pa nga siya ng pasensiya sa mga dumalo sa party dahil hindi raw siya magaling rumampa.

Tila nabunutan daw siya ng tinik sa lalamunan nang matapos na ang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay na ako! Muntik pa akong madapa kanina!” bulalas ni Jessy.

Hindi na raw kinailangan pang mag-diet ni Jessy upang maghanda para sa kanyang pagrampa.

Ipinagpatuloy lang daw niya kung ano ang kasalukyang ginagawa pagdating sa diet at work out.

Saad niya, “Dapat talaga alagaan mo yung diet mo. Hindi dapat siya tawagin diet.

“It's the way you eat. It's a lifestyle.

“Kunyari kumakain ka ngayon, you work it out.

“So, ganun na ako, and napansin ko, I've been losing weight the healthy way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN