Alden Richards: "Don't worry about other people's opinions of you."

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards tweets about pleasing other people, which echoes Maine Mendoza's recent blog that she would not change herself just to please other people.


Isang makahulugang tweet ang ipinost ni Alden Richards ngayong Miyerkules ng hapon, July 27.

Aniya, hindi tayo dapat mabahala sa opinyon ng ibang tao.

Hindi rin daw iniutos ng Diyos na pabilibin ang ibang tao kundi mahalin lamang sila.

Kahapon, Martes, July 26, nag-tweet din si Alden ng quote ng saint na si Mother Teresa.

Mensahe ng nasabing tweet, pagdudahan man ng ibang tao ang iyong kabaitan, manatili pa ring mabait.

Ang tweet ni Alden ngayong hapon ay tila pagsuporta sa isang blog article na inilabas kamakalawa ng kanyang onscreen partner na si Maine Mendoza tungkol sa pagpapasaya sa ibang tao.

Sa nasabing blog na may titulong “That’s how it works,” ipinahayag ni Maine na hindi siya gagawa ng mga bagay na hindi niya gusto para lamang matuwa sa kanya ang ibang tao.

Hindi rin daw niya intensiyong baguhin ang sarili para lang ma-impress ang iba.

Read: Maine Mendoza: 'I would never change who I am just to conform.'

Isa rin si Luis Manzano sa mga sumang-ayon sa isinulat ni Maine sa kanyang blog site.

Naging laman ng entertainment news si Luis nitong mga nakalipas ng araw dahil sa pagsagot sa mga netizens na namba-bash sa kanya.

Hindi rin daw niya intensiyong baguhin ang sarili para lang ma-impress ang iba.

Read: Luis Manzano echoes Maine Mendoza's view on pleasing other people: 'Those are all correct.'

REACTION REGARDING VISIT TO CRISTY?

Tila may kinalaman din ang recent tweets ni Alden sa pagbabatikos sa kanya ng ibang fans at kumukuwestyon sa pagbisita niya sa veteran entertainment radio host-columnist na si Cristy Fermin.

May mga AlDub fans na nadismaya sa ginawang pakikipagtagpo ni alden kay Cristy na maraming beses na nagsulat ng mga negatibo sa sikat na love team.

READ: Alden Richards no 'ulterior motive' in his courtesy call to Cristy Fermin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN