Maine Mendoza clarifies blog post about pleasing other people: "Wala po akong patama kahit kanino."

IMAGE Noel Orsal

Maine Mendoza on blog article: "Yung entry po na yun ginawa ko siya bilang advice for everybody."


May paglilinaw si Maine Mendoza sa isinulat niyang artikulo sa kanyang blog ilang araw na ang nakalilipas.

Sa nasabing article na “That’s how it works,” inilahad ni Maine na nagkaroon ng sitwasyon na hinihimok siyang i-please ang ibang tao.

Dito inilahad ng Dubsmash Queen na sa bagong mundo na kanyang ginagalawan, kinakailangang gumawa ng mga bagay-bagay para mapasaya ang ibang tao.

Pero sabi ni Maine, hindi dapat baguhin ang sarili upang i-please lang ang ibang tao.

Read: Maine Mendoza: 'I would never change who I am just to conform.'

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press si Maine sa set visit ng Eat Bulaga, na magdiriwang ng kanilang 37th anniversary ngayong Sabado, July 30.

Nang tanungin ng PEP si Maine tungkol sa kanyang blog entry, paliwanag niya, “Yung entry po na yun, ginawa ko siya bilang advice for everybody.

“Ginawa ko lang pong parang example yung experience ko sa showbiz and yung isang incident na yun.

“Pero hindi po siya nagre-revolve around sa experience ko dito [sa showbiz] and sa incident na yun.”

Binanggit din kay Maine na marami ang sumang-ayon sa kanya, kagaya na lamang ni Luis Manzano na nag-tweet pa tungkol dito.

Read: Luis Manzano echoes Maine Mendoza's view on pleasing others: 'Those are all correct.''

Reaksiyon niya, “Well, siyempre po nakakatuwa na naa-appreciate po nila ang isinulat ko, pero kanya-kanya rin naman po kasing opinyon.

“Kung meron pong mga taong disagree po dun, meron ding um-agree and nirerespeto na lang din po kung ano po yung mga opinions nila about it.

“Pero ako, I have no intentions, wala po akong masamang something doon sa isinulat ko na patama kahit kanino. Wala.”

Payo raw ito sa lahat sa loob at labas ng showbiz.

“It’s an advice for everybody po about pleasing people, na parang hindi po tama yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You just have to be yourself all the time kasi ganun naman po talaga ako magsalita ever since.

“Kung babalikan niyo yung past blog post ko, ganun po talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN