Jodi Sta. Maria denies reconciliation with Jolo Revilla

IMAGE Mark Atienza

Jodi Sta. Maria on her showbiz career: "Lahat ng nangyayari sa akin ngayon, hindi ko ito in-expect. Ang alam ko lang, mahal ko ang trabaho ko. Kumbaga, sa akin, lahat ng nangyayari, bonus."


Nilinaw ni Jodi Sta. Maria na hindi sila nagkabalikan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Kumalat kasi ang balitang nagkabalikan ang dalawa nang mag-post si Jolo ng mga larawan nila ni Jodi sa Instagram, ilang linggo matapos nilang kumpirmahin na break na sila.

Read: Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria back together?

Ngunit ayon kay Jodi, “Balikan? No, saka alam ko klinaro na rin naman niya [Jolo] yun sa isang interview.

“Kami naman ni Jolo, magkaibigan naman kami.

“Nung time naman na sinagot ko yung issue, sabi ko that we’re no longer together but we’re still good friends.

“If once in a while we do hang out, I don’t find anything wrong with that.”

Pero may posibilidad bang magkabalikan sila?

Sagot ng Kapamilya actress, “Basta ako ngayon, kung anuman ang mayroon ako, ine-enjoy ko na lang din muna.

“Ayokong magpa-pressure sa kahit na ano.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jodi sa pictorial ng Star Magic artists, kahapon, July 31.

ON IAN VENERACION. Samantala, kinunan din namin ng reaksiyon si Jodi kaugnay ng lumabas balita tungkol sa kanyang co-star sa The Achy Breaky Hearts na si Ian Veneracion.

Base sa mga report na lumabas, on the rocks daw ang pagsasama ngayon ni Ian at ng non-showbiz wife nito.

At itinuturo pa ang aktres na si Jessy Mendiola na third party diumano.

Saad ni Jodi tungkol dito, “Parang, I think sa mga ganyang issue, mahirap magkomento, hindi ba?

“Pero nakasama ko si Ian sa tatlong proyektong magkakasunod.

“Nagkasama kami sa Pangako Sa ‘Yo, nagkasama kami sa All U Need Is Pag-ibig, and Achy Breaky Hearts.

“Iisa lang ang masasabi ko, masaya sila at mahal ni Ian ang asawa niya at mga anak niya.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang tsismis na ‘yan, pero dapat siya yata ang tanungin ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero as a friend, kitang-kita ko na mahal na mahal niya ang pamilya niya.”

Sa hiwalay na panayam ay itinanggi na ni Jessy ang balitang nag-uugnay sa kanila ni Ian.

Maliban dito ay hindi naman itinatanggi ng aktres na nakikipag-date siya ngayon sa TV host-actor na si Luis Manzano.

Read: Jessy Mendiola reacts to rumor linking her to Ian Veneracion

STAR MAGIC TALENT. Bilang isa sa pinakamatagal nang artist ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, isang napakagandang journey raw para kay Jodi ang pinagdaanan ng kanyang career.

Saad niya, “It’s a beautiful journey.

“Kumbaga, unti-unti. It’s baby steps for me to get to where I am now.

“Hindi overnight na nangyari, talagang naging proseso at magandang journey siya para sa akin.

“Lahat ng nangyayari sa akin ngayon, hindi ko ito in-expect.

“Ang alam ko lang, mahal ko ang trabaho ko.

“Kumbaga, sa akin, lahat ng nangyayari, bonus.

“Kung hindi ako artista ngayon, malamang nasa medicine ako, nag-doctor sana ako.”

Wala na raw siyang mahihiling pa sa dami ng blessings na tinatanggap niya ngayon.

“You see, it would be too much to ask for more.

“I’m really just thankful that God has blessed me with things na beyond my expectation.

“Wala na, masaya ako kung nasaan ako ngayon at kung ano ang mga blessings na ibinigay sa akin ng Panginoon.”

Pagkatapos ng The Achy Breaky Hearts ay may gagawing pelikula si Jodi na ididirek ni Erik Matti.

“Parang a mix of everything, mayroong horror, suspense, saka parang feel ko nga psychological film din siya.

“Iba na naman itong gagawin natin,” sabi niya tungkol sa naturang film project.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN