Aiza Seguerra vows to continue fight against bashers and bullies

IMAGE Noel Orsal

Aiza Seguerra says that he and wife Liza Diño will not be stopped from showing their love in social media despite the bashers. "Lalo naming ipapakita sa inyo kung gaano namin kamahal ang isa't isa [hanggang] mapurga kayo! Wala kaming pakialam."


Ipinagtanggol ng singer na si Aiza Seguerra ang kanyang asawa na si Liza Dino sa mga basher nito.

Ito ay matapos maghayag ng kanyang opinyon si Liza sa Facebook tng ungkol sa mga nangyayaring patayan na agad inuugnay ng karamihan sa droga.

Read: Liza Dio alarmed by 'drug-related killings': 'Talaga? Lahat ng pagpatay ngayon, drug related?'

Dahil dito ay binatikos ng ilang netizens si Liza, at ang ilan ay pinagsabihan pa ng malalaswang salita.

Ngunit agad namang binuweltahan ng aktres ang mga basher na ito.

Read: Liza Dio fires back at bashers for lewd comments about her and Aiza Seguerra

Pahayag ni Aiza tungkol sa isyu, “Siguro, normal lang ang bashing sa trabaho namin. Bata pa [lang] ako nae-experience ko na 'yan.

“Wala pang social media, I have been bashed left and right because of who I am, because of my preference, gender identity.”

Subalit ayon sa kanya, ibang usapan na kapag ang asawa niya ang sinabihan ng masasakit na salita.

“Most of us na may mga asawa would understand. Ako tirahin nila, wala akong pakialam.

“But when it comes to my wife, siguro doon lang hindi ko kinakaya because, somehow, I feel responsible because she chose to be with me.

“And siguro, at the same time, napurga na rin ako parati sa sinasabi na wala akong pakialam.

“Talaga, if someone you love is being bullied, hahayaan mo lang?

“Parang if someone you care about is binabastos ng ganun, hinahayaan mo lang?

“I mean, lalong dadami ang mga ganyang klaseng tao dahil nagtatago sila sa Facebook, e.

“Kung kailangan ko silang pangalanan, papangalanan ko sila.

“Kung kailangan kong ilabas pag-iitsura nila, gagawin ko dahil dapat matuto tayo ng accountability.”

Sa puntong ito ay tila may panggigigil na sa pagsasalita ang 32-year-old singer-actor subalit nanatili siyang kalmado.

Dagdag ni Aiza, “Oo, we’re all for freedom, pero freedom comes with responsibility and accountability.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If you don’t know how to be responsible and accountable for your actions, I don’t think you deserve that freedom, I’m sorry.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Aiza sa media launch ng MMK 25 commemorative album, kung saan isa siya sa mga performers, nitong Martes, August 2.

NOT AFRAID OF SHOWING LOVE. Sinabi rin ni Aiza na hindi sila mapipigilan ng bashers na ipakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa sa social media.

Natatawa niyang sabi, “Lalo naming ipapakita sa inyo kung gaano namin kamahal ang isa’t isa [hanggang] mapurga kayo! Wala kaming pakialam.

“Meron mang sampu na mangutya, may ma-inspire lang kami na dalawa na mag-come out, sabihin nila na, ‘Dahil kila Aiza at Liza, naging matatag ako, ang puso ko na sige kahit may nangungutya. I would still come out, I will be who I am.’

“Enough na yun sa akin.”

Dagdag pa ni Aiza, “And siguro kanina, noong nagsulat din ako about that, it’s just my way of telling people being bullied to stand up for themselves.

“Huwag nilang hayaan na mangyari ito.

“At sa pamilya ng binu-bully, huwag niyo ring hayaang mangyari ito sa mga taong mahal niyo.

“Maraming manloloko sa mundo, maraming masasamang tao, but if all the good people, we don’t stand up with each other and for each other, sila ang mananalo.”

Hindi rin lingid sa kaalaman ng karamihan na nagbabalak ang mag-asawa na pumunta ng ibang bansa para makabuo ng anak.

Naitanong naman ng isang reporter kung handa na rin ba sila sa magiging batikos ng ibang netizens sa gagawin nilang ito.

Sagot ni Aiza, “Well, yes, we take it as it comes naman.

“And akin lang, bubusugin lang ng pagmamahal, of course our daughter now and yung magiging anak pa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s always a way naman of explaining the kids how to handle these things.

“When it comes to our daughter, mas matatag siya sa bullying, she knows also not to hate the bully, to stand up for yourself but not hate [others].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN