Jaya on moving to ABS-CBN: "Trabaho talaga is trabaho. Ganun lang siya kasimple."

IMAGE Sany Chua

Jaya: "Natakot ako nung nawala yung Sunday All Stars, not because nawalan ako ng trabaho, nawalan talaga ako nung ano, 'Ano na'ng gagawin ko?' Hindi naman ako full-time artista, e, hindi naman ako puwedeng lead? Ano na'ng mangyayari?' But you just close your eyes, you cry a little bit, you talk to your husband and you reveal what's in your heart, and then you pray to God and say, 'God, aney 'to?"


“Yes, I am a Kapamilya now."

Ito ang deklarasyon ng Queen of Soul na si Jaya matapos tanungin jung siya ba ay isang nang certified Kapamilya.

Mag-iisang buwan na rin mula nang maging hurado si Jaya sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime para sa segment na "Tawag Ng Tanghalan."

Ang huling proyekto niya sa GMA Network ay ang primetime series na Poor Senorita, na pinagbidahan ng matalik niyang kaibigan na si Regine Velasquez.

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pangpiling miyembro ng press kay Jaya nitong Huwebes, August 4, sinabi nitong excited siya sa mga magaganap sa kanyang itinuturing na bagong tahanan.

“I'm going to try and establish a home there... yung parang maging mas comfortable ako to make more friends.

“Although, marami na akong friends na nagtatrabaho dun, but you don't see them all, so unti-unti.

“Nagbibilang ako ng mga araw at, hopefully, ng mga buwan, taon.

“I'm very excited, I can't wait to see what happens next.”

Hindi na idinetalye pa ni Jaya kung ano ang mga gagawin niyang proyekto sa ABS-CBN.

Ang sigurado ay mapapanood na siya sa Kapamilya network sa tulong na rin ng bagong talent management nitong Cornerstone.

Saad ni Jaya, “I would assume ganun na siya, e.

“Kasi the moment I stepped on the stage of It's Showtime, that was really saying I'm doing the show every day.

“And yun naman po yung pinaka-point ng going into Showtime... to start and begin my days working in ABS-CBN.”

Ang Cornerstone daw ang “naglakad ng lahat” para makalipat si Jaya sa Kapamilya network.

Wala naman daw nakikitang mali si Jaya sa kanyang paglipat, lalo't para ito sa kanyang pamilya.

Sabi niya, “I don't see any problem with that, trabaho talaga is trabaho. Ganun lang siya kasimple.

“I think parang natapos na yung course ng eighteen to nineteen years ko, maybe a little less or a little more with GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And all those years, I cannot say na hindi ako thankful with what I had with GMA.”

Dagdag pa ng singer-actress, “I've made family there, ang dami ko nang naging kumare at kumpare, including some of the bosses and directors, lahat... writers.

“Alam niyo naman, sa GMA medyo kakaiba ang kultura dun, lahat barkada, kahit na yung sa cafeteria barkada namin.

“It's really such a big adjustment for me to move right away as a Kapamilya, kasi talagang ambilis lang ng pangyayari.”

Read: Jaya confirms she is now a Kapamilya

WHAT TRIGGERED THE CHANGE? Nagbalik-tanaw naman si Jaya sa naging takbo ng kanyang career mula nang tanggalin sa ere ang musical-variety show ng Kapuso network na Sunday All Stars noong 2015 matapos ang dalawang taon.

Ang comedy-variety show na Sunday PinaSaya ang ipinalit dito.

Lahad niya, “When Sunday All Stars came in kasi, naging judges kami.

“If you remember the first few episodes, maybe two or three months, nakaupo kami nila Regine... nagdya-judge ng mga artist na sumasayaw at nagpi-present.

“It felt very scary na, 'Pa'no to, singer tayo? Sa'n tayo kakanta?'

“When they took out Sunday All Stars, then I knew I have to think about making some changes.

“So I went on my own without a manager for eleven months because I wanted to see, 'Can I do this alone? Am I really alone in this journey? What should I do?'

“So, nung nawala yun, naisip ko lang na total wala na yun, baguhin ko na lang lahat. It was just my decision.

“So, nung binago ko yun lahat, I went on my own. I did some US shows, all booked by myself.

“Ako ang na-book nun and I was paid all the way through, tapos sabi ko, 'Kaya pala, e.'

“Tapos, biglang dumating ang Cornerstone.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinanggi ni Jaya na natakot siya nang mawala sa ere ang Sunday All Stars.

Saad niya, “Natakot ako nung nawala yung Sunday All Stars, not because nawalan ako ng trabaho, nawalan talaga ako nung ano, 'Ano na'ng gagawin ko?'

“Hindi naman ako full-time artista, e, hindi naman ako puwedeng lead? Ano na'ng mangyayari?'

“But you just close your eyes, you cry a little bit, you talk to your husband and you reveal what's in your heart, and then you pray to God and say, 'God, aney 'to?

“'If it's another test, I'm willing, I'm taking it. I'm going to be obedient, I'm going to be patient. I will not complain because You know exactly where you want me.'"

Patuloy ni Jaya, “I was very frustrated, scared.

“I don't think I was hurt but I was parang... confused is more of the word.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko, of course, two soaps came after that, but it's not really what I wanna do lang.

“Talagang naghanap ako ng ways paano ulit ako kakanta sa TV, and that was just another way of it happening with Cornerstone coming into the picture.

“I said yes to them and, yun na, they put me in Showtime parang to start with.

“Talagang yung akin, medyo na-shaken ako dahil wala akong kakantahan sa Siete, but I don't have a problem with them shifting and changing their programming.

“It's their program, it's their network. 'Yan naman ang ano, business 'yan e.”

Read: Is Jaya now a Kapamilya?

NEW BEGINNING. Ikinuwento rin ni Jaya kung paano nagsimula ang kanyang paglipat ng network.

Nakausap daw niya sina Kyla at Erik Santos sa MYX Music Awards, at ang mga ito ang naglakad sa Cornerstone upang kunin si Jaya bilang talent.

“We're just talking and the next thing you know is, [Kyla said], 'Ate, hindi puwede, kailangan mo ng manager.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, 'Hayaan mo na, keri ko na 'yan! Magme-make-up na ang lola niyo, go na ako. Mamaya na tayo mag-usap, alam niyo na, matagal ang emyas.'

“I was just joking around, but I was saying, 'I don't need it. Okay na ako. Nakakahiya naman.'

“Then they came in my dressing room. Si Jeff Vadillo and si Ms. Cynthia Roque [from Cornerstone], came in with Erik and that was it.

“They approached me and I said yes right away.

“Pero sa akin kasi, there was a story behind that.

“And I really didn't even think na kukunin nila ako as a talent or they were interested in me as a talent.

“When they came up to me, I said, 'This is it.'”

Hindi naman daw nagdalawang-isip si Jaya na tanggapin ang offer ng Cornerstone.

Sabi niya, “Talking to Kyla and Erik and all of the other Cornerstone artists, lahat sila all praises mula kay Erickson [Raymundo], kay Jeff, kay Caress [Caballero], kay Cynthia.

“Lahat sila all praises, and I said I have to find it out for myself.

“Lo and behold, grabe sila mag-alaga. I've seen how they take care for the artist.

“They're there for them, with them, all hours of the day kung kailangan.”

Patuloy ni Jaya, “Hindi nga ako sanay na may RM [road manager], e, kasi minsan ako driver, ako magbibitbit ng bag ko.

“Yun ang nakagisnan kong kultura, e, and here, I'm spoiled, not naman because they need to spoil me, but that's how they treat everyone.”

Ikinatutuwa raw ni Jaya na maging parte ng Cornerstone.

“Sa akin, I need an environment na hindi ako lang mag-isa.

“Marami akong kasama at marami akong matututunan sa lahat and, at the same time, sila kasi very straightforward.

“Kung kailangan baguhin, sasabihin nila sa akin. At kung kailangang gagawin, ipagagawa nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And the only thing about me is masunurin po kasi ako, hindi ako reklamador.

“American style. If someone tells me to do this, 'Yeah, sure, I'll do it.' As long as hindi ako maaksidente or mahe-hurt, go.

“Sobrang casual ako to work with.

“That's why I'm so happy with them to work with dahil ganun sila magbigay ng importansiya at halaga sa mga artist nila. Ang bait talaga nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN