Claudine Barretto posts cryptic message on Instagram about second chances

IMAGE Noel Orsal

Claudine Barretto posts a cryptic message on Instagram about second chances. In her caption, she said, "No more chance for you," with hashtags that read "some things don't change at all" and "let the battle begin again."


Tila may pinapasaringan ang aktres na si Claudine Barretto sa kanyang Instagram post kagabi, August 6.

Ito ay matapos niyang mag-post ng quote card tungkol sa "second chances."

Saad nito, “Sometimes, giving someone a second chance is like giving them an extra bullet for their gun, because they missed you the first time.”

Bagamat hindi pinangalanan, sinabi ng aktres sa caption na ito na wala na siyang chance na maibibigay sa tinutukoy niya.

Sabi niya, “So true... No more chance for you.”

May kakabit pang hashtags ang posts niya na “some things don’t change at all” at “let the battle begin again.”


Samantala, sa comments section naman ay nakitang nag-comment ang kaibigan niya at dating co-star sa Bakit Manipis Ang Ulap na si Janelle Jamer at tila pinapalakas ang loob ni Claudine.

Aniya, “Tara, mag-firing tayo sa Cavite meron dun.

“Hahaha nako kahit ilang bullet pa meron ang isang tao... sorry kasi Titanium kana sa dami ng pinagdaanan mo, di ka na para tablan pa ng bala. #GodIsAlwaysWithYou.”


May isang netizen naman na nagtanong sa comments kung ito ba ay tungkol sa kapatid niyang si Gretchen Barretto o sa estranged husband na si Raymart Santiago, subalit walang sinagot si Claudine sa mga comments.


Nitong Enero lang ay sinabi ni Claudine na pinost-pone na muna nila ni Raymart ang annulment case para sa kanilang mga anak. Sinabi rin ng aktres na sila ay "very good friends" ni Raymart.

Read: Claudine Barretto, Raymart Santiago postpone annulment case for the sake of their kids

Nitong Hunyo naman ay nakitang magkasama si Claudine at Raymart na sine-celebrate ang birthday ng kanilang adopted daughter na si Sabina.

Read: Claudine Barretto, Raymart Santiago meet for daughter's birthday

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may matagal nang alitan ang magkapatid na Claudine at Gretchen.

Sa katunayan, nitong Hunyo rin ay may nakasagutan si Claudine at ang kanyang inang si Inday Barretto sa Instagram na may username na @gretch1717.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung pagbabasehan ang mga sagot ng aktres ay tila pinatatamaan si Gretchen.

Read: Claudine Barretto, Mommy Inday confront 'Gretchen' on Instagram

Samantala, sa mensaheng ipinadala ni Claudine sa PEP ngayong hapon, sinabi ng aktres na wala raw kinalaman si Gretchen sa naturan post.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN