Vhong Navarro saddened by slow justice system in the Philippines

IMAGE Instagram / Jojo Gabinete

Vhong Navarro on President Rodrigo Duterte: "Mula nang tumuntong siya, ngayon nakikita naman natin na mabilis ng mga pangyayari. Like sa mga drug lord, pushers, at ibang mga gumagamit na sumuko, e, talagang natakot at gumawa agad ng aksyon, wala pang ilang buwan. Kaya ako, naniniwala talaga ako na malaki talaga ang pagbabago sa ating bansa nang umupo siya."


Dahil sa gag order, tumangging magsalita ni Vhong Navarro nang tanungin tungkol sa update ng demanda niya laban sa negosyanteng si Cedric Lee at sa grupo nito.

Ang tanging sinabi niya lang ay ongoing ang hearing at perjury case.

Matatandaang noong January 2014 ay binugbog ng grupo ni Cedric dahil diumano sa tangkang panggagahasa nito sa modelong si Deniece Cornejo.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Dahil dito ay sinampahan ni Vhong sina Cedric ng iba't ibang kaso.

Read: Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects

Ikinalulungkot ni Vhong ang mabagal na pag-usad ng justice system sa Pilipinas, pero nagkaroon daw siya ng pag-asa nang maluklok sa puwesto si President Rodrigo Duterte.

Saad ng It’s Showtime host, “Nakakalungkot dahil siyempre, sinasabi nga natin, yung justice system natin, parang daan ‘yan, maraming lubak.

“Kaya bumabagal yung pupuntahan mo kasi nga marami kang daraanan pa na lubak o pasikut-sikot.

“Mula nang tumuntong siya [President Duterte], ngayon nakikita naman natin na mabilis ng mga pangyayari.

“Like sa mga drug lord, pushers, at ibang mga gumagamit na sumuko, e, talagang natakot at gumawa agad ng aksyon, wala pang ilang buwan.

“Kaya ako, naniniwala talaga ako na malaki talaga ang pagbabago sa ating bansa nang umupo siya.”

THE NEW MANG KEPWENG. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Vhong sa second shooting day ng pelikula niyang Mang Kepweng Returns sa Bulacan, Bulacan, kahapon, August 14.

Ang Mang Kepweng Returns ay ang unang movie project ng Cineko Productions na balak isali sa Metro Manila Film Festival 2016.

Kahapon lamang nalaman ni Vhong ang pahayag ni DJ Durano na nabili noon ng Viva Films ang film rights ng Mang Kepweng na pagbibidahan sana ni Luis Manzano.

Pero hindi natuloy ang project dahil sa pagpanaw ng direktor na si Wenn Deramas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hawak ng Viva Films ang film rights ng comedy movies na pinagbidahan noon ng late comedian na si Chiquito

Reaksiyon dito ni Vhong, “Ako naman kasi, kinuha lang ng producer.

“Siyempre, isang malaking blessing, isang malaking project ang Mang Kepweng.

“So, kami naman, inilapit lang sa amin ni Direk Chito [Rono, his manager], actually si Nanay Cristy [Fermin] ang tumawag sa amin, kay Direk Chito, na may gusto nga raw gumawa ng Mang Kepweng at ako nga raw yung napipili.

“Saka si Luis, kaibigan ko si Luis, kahit si DJ.

“Ngayon ko lang nalaman na meron din kay Luis.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN