Quezon City Mayor Herbert Bautista denies 'drug protector' tag

IMAGE Mayor Herbert M. Bautista on Facebook

Mariing pinabulaanan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na protektor siya ng mga sangkot sa droga sa kanilang siyudad. Sabi pa niya, "I'm not involved and will never be involved with anyone who transacts illegally in this country."


Nagsalita na si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa ilegal na droga.

Sa ulat ng DZMM Teleradyo sa Twitter, sinabi ng alkalde na hindi niya alam kung bakit nasangkot ang kanyang pangalan at sinasabing protector diumano siya ng mga drug lord.

Pahayag ni Mayor Herbert, “Hindi ko nga alam kung bakit ako nadawit dun, siguro because sa nangyari dun sa dalawang generals, one plus one equals two.

“I’m not involved and will never be involved with anyone who transacts illegally in this country.”

Sa kabilang banda, hindi pa raw nakakausap ni Mayor Herbert ang kapatid niyang si QC Fourth District Councilor Hero Bautista tungkol sa kinasasangkutan nitong problema sa ilegal na droga.

Read: Brother of Mayor Herbert Bautista allegedly tested positive for drug use

Pero ipinagmamalaki raw ng alkalde ang ginawa nitong pag-amin at pagboluntaryo na sumailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

Read: QC Councilor Hero Bautista volunteers to go to rehab


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN