Harlene Bautista on brother Hero: "We never really suspected that he was taking drugs."

IMAGE Facebook (Herbert/Hero) / CNN Philippines Twitter (Harlene)

Nabigla raw ang pamilya nina Harlene Bautista (kanan) sa pagkadiskubre na gumagamit ng ilegal na droga ang kapatid niyang si Hero Bautista (gitna). Pero matapos daw itong magpaliwanag ay naintindihan naman nila kung bakit ito gumamit ng ipinagbabawal na gamot.


Aminado si Harlene Bautista na labis na nasaktan ang kanilang pamilya sa pagkakasangkot ng kanyang kapatid na si Quezon City Fourth District Councilor Hero Bautista sa ilegal na droga.

Ang labis daw na naapektuhan sa pangyayari ay ang kanilang nakatatandang kapatid na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Pahayag ni Harlene sa panayam ng Unang Hirit ng GMA Network na umere ngayong araw, Agosto 16, “Siyempre nasaktan, nagulat.

“Siyempre, hindi talaga, hindi talaga namin matanggap. Mahirap tanggapin, masakit.”

Alam ba nila noon pa na gumagamit si Hero ng ipinagbabawal na gamot?

Sagot niya, “Actually, ako, personally, hindi ko alam na gumagamit siya ng droga. Hindi talaga namin alam.

“Kasi si Kuya Hero… kasi ever since kasi artista siya, nagti-theater siya, and kung kailangan niyang magpapayat, mabilis siyang magpapayat.

“Kung kailangan na may karakter siya na mukha siyang ermitanyo [kaya niy..] Ganun siya, e, artist siya talaga.

“So, we never really suspected that he was taking drugs.”

Nalaman lang daw nila ang tungkol dito nang lumabas na ang resulta ng random drug test na isinagawa sa mga opisyales ng Quezon City.

Read: Brother of Mayor Herbert Bautista allegedly tested positive for drug use

TRYING TO UNDERSTAND. Ayon pa kay Harlene, namayani ang tanong kaysa sa galit na kanilang naramdaman.

Saad niya, “Siyempre noong una, parang hindi naman talaga galit, parang nagtanong.

“Nagtatanong kami, ‘Bakit? Bakit mo nagawa?

“’Anong nangyari, anong naging problema mo? Meron ka bang hindi sinabi? Meron ka bang itinatago?’

“So, lahat yun pumasok din sa isip namin.

“Pero in-address din namin lahat agad, inalam din namin kung bakit.

“Ito na nga [ang resulta], na idaan siya sa proseso para magkaroon siya ng pagbabago.”

Sa kanyang privilege speech sa konseho ng Quezon City kahapon, Agosto 15, sinabi ni Hero na biktima siya ng ilegal na droga at boluntaryo siyang sasailalim sa anim na buwang gamutan sa rehab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: QC Councilor Hero Bautista volunteers to go to rehab

DO NOT JUDGE DRUG USERS. Ayon kay Harlene, hindi naman masasabing lulong o sugapa sa droga si Hero.

“According dun sa doctor na nakausap, hindi naman talaga siya grabeng-grabe na user.

“Pero hindi pa rin namin alam kung anong konkretong detalye kasi sumailalim pa lang siya sa mga tests ngayon para malaman naming lahat.”

Naintindihan naman daw nila ang paliwanag ng kanyang Kuya Hero kung bakit ito gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Maraming dahilan, siyempre personal ‘yang mga ‘yan.

“Kaya ako, kaming magkapatid, lalo na ako, hindi puwedeng maghusga tayo agad kapag may malaman tayong isang tao na gumagamit ng droga.

“Hindi magandang husgahan mo agad dahil hindi mo naman alam talaga kung ano yung nangyayari sa tao na yun.”

Ipinangako naman ni Harlene ang suporta nilang magkakapatid kay Hero.

“Of course, nandito lang kami lagi para sa kapatid namin at para sa isa't isa,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN