Jake Ejercito determined to prove critics wrong in feud with Andi Eigenmann

IMAGE Photo from Twitter (@unoemilio)

With the continuing rift between ex-couple Jake Ejercito and Andi Eigenman, the former tweeted and assured a fan that they will prove critics wrong.


Determinado si Jake Ejercito na patunayan ang kanyang paninindigan sa away nila ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Isang supporter ng binata ang nag-tweet at sinabing pakiramdam niya ay galit ang lahat sa kanya dahil sa pagpanig sa anak ni Manila City Mayor Joseph Estrada.

Pero sabi ng supporter, wala siyang pakialam dahil mahal niya si Jake.

Sinagot naman ito ni Jake at nagpasalamat sa supporter kaninang madaling-araw ng Miyerkules, August 17.

Paniniyak pa ni Jake sa nasabing netizen, “Hang in there. We’ll prove them wrong soon enough.”

Nabulabog ang Twitter nang magsagutan ang dating magkasintahan nitong weekend nang akusahan ni Jake si Andi na ginagamit ang kanyang pangalan para i-promote ang pelikula nito.

Sunud-sunod naman ang tirada ni Andi sa binata at umabot nga sa personalan ang atake nila sa isa’t isa, kagaya na lamang ng pagtawag ni Jake kay Andi na 'fake' at tinawag namang 'talentless' ni Andi si Jake.

Read: Ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito exchange tirades on Twitter

Read: Jake Ejercito calls Andi Eigenmann 'fake'; Andi calls Jake 'talentless'

Dahil sa awayan ng dating magkasintahan, nag-trending ang #AndiEndsJakeParty sa Twitter nitong weekend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN