Karen Bordador's ex-BF to file complaint vs pseudo news sites over misidentification

IMAGE Courtesy of ABS-CBN

Chris Tan (in photo) plans to file complaint against pseudo-news sites which have wrongly named him as Karen Bordador's current boyfriend. Bordador's current boyfriend is Emilio Lim who was arrested together with the lady DJ in a buy-bust operation.


Hinihintay pa rin ni Chris Tan na itama ang mga report ng ilang pseudo news websites na nagpangalan sa kanya bilang kasalukuyang boyfriend ng ex-girlfriend na si Karen Bordador.

Matatandaang naaresto kamakailan si Karen at ang bagong boyfriend nitong si Emilio Lim sa isang drug buy-bust operation.

Read: Radio DJ Karen Bordador, boyfriend arrested in drug buy-bust operation

Kaugnay nito, may ilang online news websites ang naglabas ng istorya tungkol dito kalakip ang larawan ni Karen kasama si Chris, sa halip na sa Emilio.

Sabi ni Chris sa panayam ng ABS-CBN News, “Hindi sila nagri-research, e. Basta na lang banat nang banat.

“They're endangering the lives of people.”

Dagdag pa niya, “It's very damaging yung ginagawa nila. You know, a person's reputation is at stake.

“I'm a private person. I'm not involved in any drug dealings or drugs.”

Inalmahan din ni Chris ang agarang panghuhusga sa kanya ng mga tao sa social media dahil sa mga maling post.

Sa ngayon, may isa na raw pseudo news websites na itinama ang nauna nilang report. Hinihintay na lamang niya ang iba pang sumunod din.

Kung hindi, maaaring maghain si Chris ng reklamong online libel laban sa mga administrator ng mga naturang websites.

VINDICATE KAREN” Samantala, naniniwala si Chris na hindi sangkot ang dati niyang girlfriend na si Karen sa ilegal na gawaing inaakusa sa kanya at sa boyfriend nito ngayon.

Sabi ni Chris, “It's part of her personality, sa tingin ko, na parang, 'Sige, if that's what makes you happy, susuportahan na lang kita.'

“Yun ang nakikita ko, and ide-defend pa niya. Sa tingin ko, if any, yun ang naging kasalanan niya dito.

“If the boyfriend is guilty, sana i-vindicate na lang niya si Karen.”

Una nang itinanggi ni Karen na may kinalaman siya sa ilegal na gawain ng kanyang nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit ayon sa pulisya, may nakita ring ecstasy kay Karen nang gawin ng kanilang grupo ang operasyon.

Read: DJ Karen Bordador caught in possession of illegal drugs

Sina Karen at Chris ay naging bahagi ng romantic reality show ng ABS-CBN na I Do noong 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN