Horror Queen Lilia Cuntapay passes away at 81

IMAGE Allan Sancon

Sumakabilang buhay na si Lilia Cuntapay sa edad na 81 ngayong araw ng Sabado, August 20.


Pumanaw na ang beteranang aktres at tinaguriang Horror Queen na si Lilia Cuntapay sa edad na 81, ngayong araw, August 20.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online, alas-6 ng umaga ngayong araw raw binawian ng buhay si Aling Lilia sa bahay ng kanyang kamag-anak na si Gilmore Cuntapay sa Barangay Tartarabang sa bayan ng Pinili, Ilocos Norte.

Ang apo nitong si Elma Cuntapay-Daet ang nagkumpirma ng balita.

Nitong August 4 lamang, nanawagan si Aling Lilia ng financial assistance dahil sa kanyang problema sa kanyang spinal cord.

Read: Horror Queen Lilia Cuntapay needs financial assistance

November 13, 2011, ang marahil ay pinakamasayang bahagi ng buhay ni Aling Lilia.

Natanggap kasi ni Aling Lilia ang kanyang kauna-unahang acting award bilang Best Actress para sa kanyang pelikulang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay sa Cinema One Originals Digital Film Festival.

Read: Veteran horror movie extra Lilia Cuntapay wins big in Cinema One Originals Digital Film Festival 2011 awards

Ipinapaabot ng buong PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taus-pusong pakikiramay sa lahat ng mga naulila ng beteranang aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN