PEP EXCLUSIVE. Dorothy Laforteza speaks up about daughter Sunshine Dizon's marital problem

IMAGE Glenn Regondola / Noel Orsal

Dorothy Laforteza on daughter Sunshine Dizon's legal battle: "Siya naman ang nakakaalam ng lahat. Kahit sabihin naming ganito, ganito, kahit sa dami ng huwag, kung gusto niya, wala kaming magawa. Nasa likod lang ako, di ako nagpapakita. Kasi, kapag nakita kong agrabyado ang anak ko, wala akong pakialam, susugod ako."


Nagbigay ng pahayag ang ina ni Sunshine Dizon na si Dorothy Laforteza kaugnay ng kinahaharap ngayong problema ng aktres tungkol sa pagsasama nila ng kanyang asawa na si Timothy Tan.

Kung babalikan, nagsimulang kumalat ang balitang may marital problem sa pagitan nina Sunshine at Timothy nang magsimulang mag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng mga mensaheng makahulugan noong ikalawang linggo ng Hunyo.

Ang iba ngang mensahe ay naka-tag pa sa isang nagngangalang ‘Clarissa Sison,’ na siya diumanong kalaguyo ng asawa ni Sunshine.

Read: Sunshine Dizon posts cryptic messages on Instagram about mystery woman

Kinalaunan, nagbigay ng statement si Timothy na nagkukumpirma ng kanilang paghihiwalay pagkatapos ng anim na taong pagsasama na nagbunga ng dalawang anak.

Read: Sunshine Dizon's husband confirms marital problems; reveals plan to file for annulment

Kasunod naman nito ay ang balitang pagpa-file ni Sunshine ng kasong concubinage at paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Read: Sunshine Dizon no-show in first hearing of VAWC case vs. husband Timothy Tan

Noong simula ay ayaw pang magsalita ni Dorothy, na kilala sa showbiz bilang si Mommy Dorothy, dahil baka raw magalit sa kanya ang anak.

Pero pagkalipas ng ilang minuto ay nagsalita na rin siya dahil naniniwala siyang bilang isang ina ng anak na may pinagdadaanan, karapatan din niyang ihayag ang kanyang saloobin.

Pahayag ni Dorothy, “So far, wala pa akong... kaya niya yun, e.

“Saka na lang, saka na pag hindi niya kaya.

“I know kaya niya, alam niyo naman na palagi akong nasa likod niya.

“Kaya nandito ako para sa kanya.”

Sa mga malalapit kay Dorothy, kilala siya bilang protective mother sa kanyang anak noong child star pa ito at nagsisimula pa lamang ng kanyang career sa showbiz.

Kaya marami ang umaasa na talagang ipagtatanggol niya ito.

Pahayag ng ina ni Sunshine, “Alam niyo kung paano siya inalagaan, kung paano siya ipinagtanggol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang lahat ay ginawa ko, sa lahat ay nakasubaybay ako.

“Kapag may di magandang nangyayari, sinusundan ko talaga, para akong spy.

“Pero ngayon, alam kong kaya niya.

“Malaman niyo pag ano na.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dorothy sa The PEP List Year 3 Awards Night na ginanap sa Crowne Plaza Manila Grand Ballroom, kagabi, August 21.

SON-IN-LAW. Inalam ng PEP kay Dorothy kung nagalit ba siya sa kanyang son-in-law dahil sa diumano'y pambababae nito.

Tugon niya, “Normal lang yun, magalit ka talaga.

“Kaya ni Shine, wala pa muna akong... saka ko na sabihin sa inyo when it comes sa hindi na okey.”

Kapag nagkikita sila ni Timothy, ano ang reaksiyon niya?

Saad ng dating movie producer, “Okey lang, hndi ako kumikibo.

“Kasi alam mo, unang-una, father 'yan ng mga apo ko, yun lang.

“Tahimik lang ako, pero kung sobrang agrabyado, mauna pa ako sa lahat.

“Pero ako, sa totoo lang, nasa likod lang ako ni Sunshine.

“Kapag hindi na maganda, lahat 'yan, siguro sa TV ako pa ang magsasalita.”

Nung makita niya niya si Clarisma Sison, ano ang naramdaman niya?

Sagot ni Dorothy, “Wala.

“Kung nangyari man 'yan, temptation lang 'yan.

“Sa buhay talaga natin, darating talaga 'yan, kung kaya mong lagpasan 'yan, e.”

POSSIBLE RECONCILIATION. Gusto pa rin ba niyang magkabalikan ang kanyang anak at ang estranged husband nito?

Ayon sa ina ni Sunshine, “Hindi mo masabi, e.

“Hindi mo masabi kasi, alam mo ang buhay, minsan galit, pero pagdating ng oras...

“Kinu-consider ko kasi yung mga anak ng anak ko... she loves them very much, both of them.

“Mga matatalinong bata... nagsasalita, nasasaktan sila, ganun.

“Kung hindi sila magbalikan, yun talaga ang destiny nila.

“Pero kung magbalikan man sila, siguro na-realize na...

“Kasi ako, hindi naniwala na... siguro temptation lang.”

LEGAL BATTLE. Hanggang saan na ang napag-uusapan nila ng kanyang anak tungkol sa kasong isinampa nito laban kina Timothy at Clarisma?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dorothy, “Mga normal na usapan lang.

“Kasi ayaw kong makialam ngayon dahil hindi magandang isipin, kasi asawa pa rin niya yun.

“Si Sunshine, ganito yun, galit, pero masasaktan din siya dahil ama pa rin yun ng mga anak niya.”

Bilang ina, ano ang ipinapayo niya sa anak?

“Sabi ko, siya naman ang nakakaalam ng lahat.

“Kahit sabihin naming ganito, ganito, kahit sa dami ng huwag, kung gusto niya, wala kaming magawa.

“Pero maganda naman, wala pa namang... hindi pa nga nagharap-harap ang mga ano, e.

“Minsan lang, pero hindi naman sila nag-usap dun, e.

“Nasa likod lang ako, di ako nagpapakita.

“Kasi, kapag nakita kong agrabyado ang anak ko, wala akong pakialam, susugod ako.”

Sa palagay ba niya, talagang itutuloy ni Sunshine ang legal battle na ito laban sa kanyang asawa at sa diumano'y babae nito?

“Sa palagay ko, pero depende sa pag-uusapan nila.

“Ang ano lang, sa totoo lang, nakapabait naman niyang asawa, never niyang sinaktan si Sunshine.

“Nasaktan si Sunshine sa kanyang ginawa.”

Siya ba mismo, naniniwalang nambabae ang kanyang son-in-law?

Mariing sagot niya, “Oo naman!

“Nakarating na sa bagay na 'yan, hindi ka puwedeng magdemanda kung wala kang proven na ebidensiya.

“Ako, pini-pray ko lagi kay Lord at ipinauubaya ko na sa Kanya.

“Wala akong magdesisyon, si Lord ang nakakaalam kung ano ang para sa kanya.

“Kung hindi na talaga dapat, hindi.

“Kung sila pa rin, wala namang imposible sa pagbago ng tao.”

TEMPTATION. Dagdag pa niyang sabi, “At saka si Tim, hindi naman talaga...

“Hindi sa kinakampihan ko siya dahil sa nangyari, pero hindi siya ganung tao.

“I believe, temptation lang, kung anong klaseng temptation ang ginawa sa kanya.

“Kasi, alam nila, si Tim, ang impression, one of the yung pamilya nila sa lugar... I don't know kung ano ang motibo nung girl.

“Kasi pag gusto mo talaga ang tao, you do something to win, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya yun ang paniniwala ko, na matsi-change din ang tao kapag na-realize niya later on na, 'Aba, mali ‘ata itong ginawa ko.'

“Mabuti na lang, hindi napunta si Sunshine sa lugar ng babae.

“Yung parang magti-tempt ka, alam mo na you're married, and he's married.

“O, napaka... nagpapasalamat ako na ang tayo ng babae, hindi napunta kay Sunshine.”

Sa tingin ba niya, pagkatapos ng lahat ng ito ay hindi na muling iibig pa ang kanyang anak?

Reaksiyon ni Dorothy, “Aba, bakit hindi? She's too young.

“Pero as of now, malayo pa, sobrang malayo pa.

“Pero kung sila pa rin, time will tell. Si Lord na lang ang bahala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN