Diana Zubiri gives birth to baby girl

IMAGE @thisisandysmith on Instagram

Nagsilang na si Diana Zubiri ng kanilang panganay na anak ng asawang si Andy Smith noong August 14. Isang malusog na babae ang kanilang anak at pinangalanan nila itong Aliyah Rose.


Isang malusog na batang babae ang isinilang ng aktres na si Diana Zubiri noong August 14.

Ito ang ibinahagi ng asawa ni Diana na si Andy Smith sa Instagram kahapon, August 21.

Aliyah Rose ang ipinangalan ng mag-asawa sa kanilang panganay na anak.

Sa unang post ni Andy, sinabi nitong hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ngayong buo na ang kanilang pamilya.

Aniya, “Welcoming our beautiful baby girl @aliyahrosesmith to the world, born August 14 at 11.36 A.M. at a healthy 8 lbs.

“I’m so glad to finally hold u in my arms and I will give u my unconditional love everyday.

“To my wife @dianazubirismith I want to thank u for ur incredible strength throughout the pregnancy until the delivery.

“U did an amazing job and words can not describe how happy I am for us and our family.

“I'm praying to God for good health and a prosperous future #littleasmith"

Narito pa ang ilang posts ng mag-asawa tungkol sa kanilang tinaguriang #littlesmith.

The first time I held u in my arms @aliyahrosesmith ?? #littleasmith

A photo posted by Andrew Smith (@thisisandysmith) on

Hello world meet my baby girl ???? #LittleASmith

A photo posted by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith) on

Ikinasal sina Andy at Diana noong May 10, 2015, sa Sampaguita Gardens, Quezon City.

Read: Diana Zubiri and Andy Smith tie the knot

Si Aliyah Rose ang ikalawang anak ni Diana.

Ang panganay niya ay isang lalaki, na anim na taong gulang na ngayon, mula sa kanyang unang asawa na si Alex Lopez.

Namatay si Alex noong 2010.

Read: Why Diana Zubiri kept her first child from the public eye


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN