Jinggoy Estrada reveals more about Sen. Leila de Lima's alleged affair with MMDA escort

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Former senator Jinggoy Estrada (not in photo) releases a photo of then-DOJ Secretary Leila de Lima doing the ice bucket challenge with Warren Cristobal, an MMDA escort who is allegedly the senator's new lover.


Kumpleto na ang pangalan ni “Warren,” ang MMDA security escort na diumano’y karelasyon ni Senator Leila de Lima.

Si President Rodrigo Duterte ang nagbunyag sa isang press conference sa Taytay, Rizal, kahapon, August 24, tungkol sa kaugnayan ni De Lima sa security escort o hagad na empleyado ng MMDA.

Read: President Duterte claims Sen. De Lima has another lover besides her driver

Si former Senator Jinggoy Estrada naman ang nagsabing 'Warren Cristobal' ang kumpletong pangalan ng MMDA security escort ni De Lima.

Ang actor-politician din ang naglabas ng litrato ng ‘ALS (Amyotrophic Lateral Sclerosis) ice bucket challenge ni De Lima, na binubuhusan ng malamig na tubig ni Cristobal noong Department of Justice (DOJ) secretary pa lamang ang senadora.

Ironically, kabilang si then Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga hinamon ni De Lima na gawin nito ang ALS ice bucket challenge noong August 26, 2014.

Hindi lamang ang ice bucket challenge photo nina De Lima at Cristobal ang inilabas ni Jinggoy.

Inilantad din niya ang diumano’y mga ari-arian ng MMDA security escort at ang mga nakakaintrigang katanungan.

Pahayag ni Jinggoy, “Dahil sa nabanggit na rin naman ng ating Pangulo ang pangalan ng diumano'y may 'kaugnayan' kay Leila de Lima, si Warren Cristobal, narito po ang kanyang litrato na binubuhusan niya ng tubig ang senadora.


“Masdan ninyo ang mga kotse ng pag-aari ni Warren.


“Ang tanong ko kay Leila: Ikaw ba ang bumili ng mga sasakyan ni Warren? Mga jeep, kotse, at mga motorsiklo?”

Bago pa isiniwalat ni Duterte ang isyu tungkol kay Warren, nauna nang naglabas si Estrada ng mga nalalaman niya tungkol kina De Lima at Cristobal.

Read: Jinggoy Estrada dares Sen. Leila de Lima to answer President Duterte's accusations

Patuloy ng dating senador, “Ngunit ang di niyo pa alam ay yung kinagigiliwan niyang si W!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ok, si Madam Senator ay mukhang na-in love kay W. Si MS (Madam Senator) ay may asawa ngunit hiwalay na.

“Maraming kumakalat na tsismis sa kanya.

“Marami rin ang may galit sa kanya dahil diumano’y protector daw siya ng mga drug pushers at namimili ng mga kakasuhan.

“Si W naman ay dati niyang hagad at ngayon ay close-in security na niya.”

Pagsisiwalat pa ni Jinggoy tungkol kina De Lima at Cristobal, “Nagsasama na sila sa isang bubong.

“Ang sabi ng aking mga sources, pinatayuan pa niya ng bahay itong si W sa isang siyudad dito sa Metro Manila.

“Hayaan ninyo, sana makakuha ako ng litrato ng love nest ni MS at ni W.”

Si Jinggoy ay kasalukuyang naka-detain sa PNP Custodial Center dahil sa kasong graft kaugnay ng pagkakasangkot niya sa pork-barrel scam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN