Barbie Forteza and Kiko Estrada break up!

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza declares that she's "happy and single," which prompted PEP to ask if she has broken up with fellow Kapuso star Kiko Estrada. But the Kapuso Tween Queen refuses to give details about the breakup.


Hindi pa man diretsahang umaamin sina Barbie Forteza at Kiko Estrada tungkol sa napapabalitang relasyon nila, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa young actress na nagwakas na rin ito.

Sa presscon para sa first anniversary ng Sunday PinaSaya kagabi, August 24, tinanong namin si Barbie kung kumusta na ang love life niya.

Pero paputul-putol at tila nagdadalawang-isip ang Kapuso actress sa pagsagot.

Aniya, “I am… I am ano… I am… I’m single and happy.”

Diretsahan naming tinanong kung break na ba sila ni Kiko.

“Bakit… wala akong sinabi!” paiwas niyang sagot.

Single and happy siya; meaning, wala siyang karelasyon?

“Wala.”

Ano ang nangyari sa kanila ni Kiko?

“Well, ayoko munang magsalita!” at tumawa ang Kapuso Tween Queen.

Diin pa niya, “Ayaw, I don’t like.

“Hanggang dun lang. Ayoko na munang pag-usapan.”

So, wala siyang karelasyon ngayon?

“Wala.”

Matatandaang nito lang Mayo napabalitang sila na ni Kiko.

Read: Kiko Estrada admits to dating Barbie Forteza

Read: Barbie Forteza confirms dating status with Kiko Estrada

Gaano katagal na siyang single?
“Secret!” natatawang sagot ni Barbie.

May isang buwan na ba?

“Secret! Basta, basta… Next time, next time.

“I’m happy naman. Well, I need to be,” makahulugang sabi ni Barbie.

Bakit hindi niya maipaliwanag nang mabuti ang mga nangyari?

“Hindi, iyon kasi yung mga bagay… alam niyo naman ako, very open naman ako sa inyo.”

Bakit ngayon ay hindi siya maka-open up?

“E, it’s too personal. Ganern!

“Nakaka-babae pag ganun, pag masikreto. Ganern!” tawa na naman niya.

Magkaibigan pa rin ba sila ni Kiko?

“Hindi pa kami nagkikita,” sagot niya.

Sabi ni Barbie ay masaya naman siya; na-realize ba niyang mas okay siya kapag wala munang boyfriend?

Saad niya, “Ever since naman… hindi, I mean, like, mas matagal akong naging single.

“So, para sa akin, siguro balik lang sa dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero mas ano lang ako ngayon siguro, mas may experience na.

“Next time, na medyo matatagalan bago maulit.”

Na natuto na siya?

“Oo, ganun.”

Iniyakan ba niya ang breakup nila?

“Secret!” at muling tumawa ang young actress.

“I need a lawyer. Charing!”

May nanliligaw ba sa kanya ngayon?

“A, wala, wala! Huwag na muna, ayoko muna, utang na loob! Teka lang.”

Paano niya itinataboy ang mga manliligaw?

“Hindi ko naman itinataboy. Pero hindi naman…

“Parang ine-explain ko naman sa kanila na hindi naman ako ganun, na… teka muna, fresh pa, e!”

Wala na bang chance na magkabalikan sila ni Kiko?

Sagot ni Barbie, “Hindi ko pa alam, hindi ko pa masagot.

“Kasi parang… hindi naman ano, e, walang nagta-try mag-approach.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN