PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PNP Chief Ronald dela Rosa opposes Robin Padilla's proposal about celebs allegedly involved in illegal drugs

PNP Chief Director General Ronald dela Rosa: Kailangan maging transparent tayo sa lahat.
by Arniel C. Serato
Published Sep 1, 2016
Tutol si PNP Chief Ronald dela Rosa sa mungkahi ni Robin Padilla na magkaroon muna ng pag-uusap sa pagitan ng pambansang pulisya at sa mga pinuno ng entertainment industry bago isapubliko ang pangalan ng mga artistang nasa drug watchlist.

Hindi pabor si Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa mungkahi ng aktor na si Robin Padilla na magkaroon muna ng dayalogo, sa pagitan ng PNP at ng mga namumuno sa showbiz industry, bago isapubliko ang pangalan ng mga artistang pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na droga.

Read: Robin Padilla not in favor of publicly naming showbiz personalities involved in drugs

Sa report ng State of the Nation ng GMA News TV ngayong gabi, August 31, sinabi ni Dela Rosa na unfair ang suhestiyon ni Robin sa mga nauna nang pinangalanan na mga pulitiko at iba pang kilalang personalidad na sangkot diumano sa illegal drug trade.

Pahayag ng PNP chief, “Ay, hindi na tayo fair diyan sa lahat, di ba?

“E, selective na itong ating naging kampanya.

“Kailangan maging transparent tayo sa lahat.”

Payo ni Dela Rosa sa mga taga-showbiz na posibleng sangkot sa ipinagbabawal na gamot, sumuko na sa mga awtoridad upang malinis ang kanilang mga pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na puksain ang paglipana ng droga sa bansa, may mga taga-entertainment industry na ring kusang nagsagawa ng drug testing.

Kabilang na ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, kung saan 40 talents nila ang boluntaryong nagpa-drug test; katulad na lamang nina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, at Enrique Gil.

Ang iba pang celebrities na boluntaryong nagpa-drug test ay sina Luis Manzano, Baron Geisler, at Patrick Garcia.

Pawang negatibo ang resulta ng kanilang drug tests.

Kahapon, August 30, nagbabala na ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magkakaroon sila ng extensive surveillance sa mga artistang nakuhaan ng CCTV footage na pabalik-balik diumano sa isang condo unit sa Mandaluyong City, kung saan nahulian ang dalawang tenants nito ng milyong halaga ng party drugs.

Read: PDEA to conduct extensive surveillance of showbiz personalities involved in illegal drugs

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Robin Padilla
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tutol si PNP Chief Ronald dela Rosa sa mungkahi ni Robin Padilla na magkaroon muna ng pag-uusap sa pagitan ng pambansang pulisya at sa mga pinuno ng entertainment industry bago isapubliko ang pangalan ng mga artistang nasa drug watchlist.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results