Suportado ni Patrick Garcia ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.
Kaya naman para ipakita ang kanyang suporta, nagpa-drug test din ang aktor.
Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Patrick ang certification mula sa National Bureau of Investigation upang patunayang negatibo siya sa drug test.
Ayon kay Patrick, sumailalim siya sa naturang drug test dahil, “I want my children to grow up in a drug-free Philippines.”
Si Patrick ay kabilang sa celebrities na boluntaryong nagpa-drug test alinsunod sa kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.
Ilan pa sa mga naging negatibo sa drug test ay ang Star Magic talents na sina Jake Cuenca, Enrique Gil, at Diego Loyzaga; ang Minute to Win It host na si Luis Manzano, at aktor na si Baron Geisler.