John Lloyd Cruz on rumored romance with Maja Salvador: "Nababaduyan talaga ako."

IMAGE Jerry Uy

John Lloyd Cruz on falling in love again: "It's something na hindi mo naman… alam mo ba kung kailan ka magiging ready for a relationship? I don't think so."


Sa halip na mapikon ay nababaduyan daw si John Lloyd Cruz sa mga balitang nag-uugnay sa kanila ng kapwa Kapamilya star na si Maja Salvador.

Nitong mga nakalipas na linggo ay kumalat sa social media ang mga larawan nina John Lloyd at Maja, na nagpasimula ng espekulasyong baka may namamagitan na sa dalawa.

Una ay nang ginaya nila ang poster ng pelikula nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na How To Be Yours, at pangalawa ay ang bonding nila sa isang beach sa Davao.

Read: Maja Salvador and John Lloyd Cruz watch Bea-Gerald movie together

Read: John Lloyd Cruz and Maja Salvador hit the beach in Davao

Pahayag ni John Lloyd tungkol sa pagli-link sa kanila ni Maja, “Hindi ako napipikon, nababaduyan lang talaga ako.

“E, paano na hindi ka mababaduyan… ayoko nang mag-expound kasi alam ko naman ang trabaho ninyo [reporters].”

Iginiit ng Kapamilya actor na magkaibigan lamang sila ni Maja.

Kaya aniya, “The more na hindi dapat lagyan ng ganung anggulo.

“Nagagamit lang sa airtime sa iba’t ibang show, and we don’t appreciate kasi napakaliit ng bakuran natin.

“Alam ninyo, dito, lahat tayo magkakasama, magkakakilala tayo lahat dito. Alam ninyo kung ano ang totoo at hindi.

“Hindi ako napipikon, naiintindihan ko ang media.

“Pero sana imbes na magbigay tayo ng liwanag, huwag na tayong dumagdag sa pagbibigay ng confusion sa mga tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si John Lloyd sa taping ng kanyang comedy show sa ABS-CBN, ang Home Sweetie Home, noong Martes, September 13.

Iwas naman ang aktor nang tanungin kung handa na ba siyang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon.

Ang huling naging girlfriend ni John Lloyd ay si Angelica Panganiban.

Aniya, “It’s something na hindi mo naman… alam mo ba kung kailan ka magiging ready for a relationship? I don’t think so.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Gusto mo, ibang bagay na lang ang pag-usapan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN