Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hawak nito ang listahan ng showbiz personalities na diumano’y sangkot sa illegal drugs.
Sa ulat ng GMA News Online ngayong Linggo, Setyembre 18, sinabi ng NCRPO director na si Chief Superintendent Oscar Albayalde na kasalukuyang nangangalap ang pulisya ng sapat na ebidensiya hinggil dito.
Dagdag ni Albayalde, galing sa naarestong drug suspects ang listahan ng mga artistang sangkot diumano sa illegal drugs.
Sa oras na makumpirma raw ang naturang listahan, desisyon na raw ni President Rodrigo Duterte o ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa kung isasapubliko ito.
Matatandaang noong August 17, inanunsiyo ni Southern Police District Anti-Illegal Drugs Division Chief Senior Inspector Wilfredo Sanghel na hawak na ng pulisya ang diumano’y listahan ng celebrity clients nina Karen Bordador at Emilio Lim, na inaresto ng pulisya matapos mahulihan ng illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa condo ng huli noong August 13.
READ: Police warns celebrity clients of Karen Bordador and Emilio Lim to surrender or face arrest
VOLUNTARY DRUG TEST. Sa kabilang banda, nagsagawa ng voluntary drug test ang ABS-CBN talent management outfit na Star Magic sa 40 nilang talents.
Ito ay bilang suporta raw sa kampanya ng administrasyon ni President Duterte laban sa illegal drugs.
READ: Enriquel Gil, Jake Cuenca, Diego Loyzaga, other Star Magic artists volunteer to undergo drug testing
Maging ang ibang talents ng Viva Artists Agency tulad nina Anne Curtis at James Reid ay sumailalim din sa voluntary drug testing.
Ayon sa opisyal na pahayag ng Viva Artists Agency, ito ay upang pabulaanan ang "unconfirmed reports" na nag-ugnay kina Anne at James sa diumano'y paggamit ng illegal drugs.
READ: Anne Curtis and James Reid test negative for illegal drugs
