Andi Eigenmann defended by friend, sister amid Max's revelation

by Bernie V. Franco
Sep 26, 2016
While Andi Eigenmann remains quiet amidst the issue that former boyfriend Jake Ejercito is the biological father of Andi's daughter, Andi's previous tweet hinted that Jake is the real father of her daughter.

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Andi Eigenmann hinggil sa rebelasyon ng kanyang half-sister na si Max Eigenmann na si Jake Ejercito diumano ang biological father ng anak ng The Greatest Love actress.

Ginawa ni Max ang rebelasyon sa podcast ng Good Times With Mo noong September 22.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, confirms Andi's sister

Sa gitna ng pambabatikos na natatanggap ngayon ni Andi dahil sa naging rebelasyon ni Max, isang kaibigan ng aktres ang nagtanggol sa kanya.

Sunud-sunod na tweets ng kaibigan ni Andi noong September 23:

“On the Albie/Andi issue: I'm not going to defend anyone. I just want you guys to know that, though this are show biz personalities, they are people too.

“This is family business and you guys are giving your two cents for what? Mema lang? Makiki-trend lang? Onting empathy lang.

“And again, this is a PRIVATE issue; what the news outlets feed to you are bits and pieces of an otherwise complicated story.”

Continue reading below ↓


Sinikap ng PEP na makipag-ugnayan sa nasabing kaibigan ni Andi tungkol sa kanyang tweets, subalit hindi pa ito sumagot.

Naging makahulugan din ang isang tweet ng nakababatang kapatid na babae ni Andi na si Stevie Eigenmann nitong September 23.

Ang nasabing tweet ay tungkol sa pakikisawsaw ng mga taong walang magawa sa “drama” via Internet.

Continue reading below ↓

Kaugnay pa rin ng kontrobersiyang ito ay hindi maiwasang maungkat ang naging sagutan nina Andi at Jake sa Twitter noong August 16.

Inakusahan kasi ni Jake si Andi na ginagamit siya ng aktres para i-promote ang kanyang pelikulang Camp Sawi.

Partikular na nakapukaw ng atensiyon ng marami ang sinabi ni Andi na naging mahirap kay Jake na maging proud sa kanila ng kanyang anak na si Ellie.

“So don’t you dare even complain about Ellie and I being accepted and loved wholeheartedly by someone else because that is not our fault that you found it so hard to be proud that you had us.”

Binanggit pa ni Andi na kaya nawawala kay Jake ang kanyang mga mahal sa buhay dahil masyado itong busy at laging tinitingnan ang mali.

Read: Ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito exchange tirades on Twitter

At press time ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag si Jake tungkol sa ginawang rebelasyon ng kapatid ni Andi.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
jake ejercito andi eigenmann
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
While Andi Eigenmann remains quiet amidst the issue that former boyfriend Jake Ejercito is the biological father of Andi's daughter, Andi's previous tweet hinted that Jake is the real father of her daughter.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results