Starlet Krista Miller arrested in buy-bust operation in Quezon City

IMAGE Noel Orsal

Krista Miller and two female models were arrested in a drug buy-bust operation in Quezon City this Monday, October 3.


Arestado ang starlet na si Krista Miller at dalawang modelo sa isang buy-bust operation sa Quezon City noong Biyernes, September 30.

Ayon sa ulat ni dzBB reporter Allan Gatus, inaresto si Krista Miller, o Kristalyn Engle sa tunay na buhay, at ang mga modelong sina Jeramie Padolina at Liaa Alelin Bolla dahil sa paglabag nila sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Nakatakdang magbigay ng karagdagang impormasyon ang Quezon City Police District tungkol sa pagkakaaresto ni Krista at mga kasama nito sa pamamagitan ng isang press conference ngayon araw.

Matatandaang unang naiugnay sa ilegal na droga si Krista nang bisitahin niya ang convicted drug lord na si Ricardo “Chacha” Camata sa ospital noong 2014.

Read: Starlet Krista Miller camp on visiting convicted drug lord in hospital: 'She has nothing to hide.'

Ngunit agad naman itong itinanggi ng starlet at sinabing “purely business” lamang ang kanyang pagbisita kay Camata.

Read: Krista Miller on alleged illicit tryst with convicted drug lord Richard Camata

Naugnay rin ang pangalan ni Krista kay Cesar Montano, na sinasabing naging dahilan ng hiwalayan ng aktor at ng misis nitong si Sunshine Cruz.

Si Jeramie ay pamilyar din sa mga taga-showbiz dahil nag-audition siya sa reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck V, at naging cover girl ng FHM noong 2012 gamit ang screen name na Jen Milton.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN