Ilang social media posts pa ang ginawa ni Heart Evangelista nitong weekend bilang pagbibigay-pugay sa kanyang malapit na kaibigan na si Senator Miriam Defensor-Santiago, na yumao noong Huwebes, September 29, dahil sa lung cancer.
Read: Sen. Miriam Defensor Santiago dies at 71
Hinatid na sa kanyang huling hantungan ang senadora nitong Linggo, October 2, sa Loyola Memorial Park, Marikina City.
Read: Former Senator Miriam Defensor-Santiago finally laid to rest
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Heart ang magagandang alaala nila ng senadora, kagaya ng pagbibiyahe nila sa abroad.
Sa isang post, ibinahagi ni Heart ang maiksing video nila ni Sen. Miriam habang nasa airport.
Maririnig sa bandang dulo ng video ang tawa ng yumaong senadora.
Sa sumunod na Instagram post, makikita ang dalawa na magkaakbay.
Kalakip ng larawan ay ang lyrics ng kantang “Because You Love Me” ni Celine Dion.
Paliwanag ni Heart, ang nasabing kanta ay naglalarawan kung gaano kalaki ang nagawa ng senadora sa kanyang buhay.
Caption ng aktres dito: “You have given me so many memories that will last me a lifetime. Thank you for all the love.”
Nag-post din si Heart ng photo collage nilang dalawa ni Sen. Miriam at ng mga ginawa nilang magkasama.
“Goodbye for now… I love you,” pamamaalam ni Heart.
READ: Heart Evangelista to Sen. Miriam: 'Goodbye... until we meet again.'
