Jaclyn Jose to granddaughter Ellie: "I will protect you with my life."

IMAGE Noel Orsal

Actress Jaclyn Jose finally reacts to the issue that Jake Ejercito is the real father of Andi Eigenmann's daughter, Ellie. Andi is Jaclyn's daughter.


Sa gitna ng kontrobersiya kaugnay ng katauhan ng tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie, isang maikli ngunit makahulugang mensahe ang ipinost ni Jaclyn Jose sa Instagram ngayong araw, October 3.

Kalakip ng larawan ng kanyang apo ni Ellie, sabi ni Jaclyn sa caption: “I will protect you with my life.”

I will protect you with my life.

A photo posted by Jane Guck (@jaclynjose) on

Nauna nang naglabas ng reaksiyon si Andi tungkol sa isyung si Jake Ejercito umano ang tunay ama ng kanyang anak, base na rin sa rebalasyon ng half-sister ng aktres na si Max Eigenmann.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Sa kanyang official statement, nakiusap si Andi na igalang ang privacy ng kanyang four-year-old daughter.

Read: Andi Eigenmann breaks silence on paternity issue of her daughter

Nitong Linggo, October 2, naglabas na rin ng reaksyon si Jake hinggil sa isyu sa pamamagitan ng Instagram post.

Madamdamin ang naging mensahe ng binata at nagpahayag ito ng kanyang pagmamahal at pangangalaga kay Ellie.

Read: Jake Ejercito posts emotional message for future Ellie

Maging ang itinuro noong una na siya raw ama ng anak ni Andi na si Albie Casino ay nagbigay na rin ng pahayag, sa pamamagitan ng kanyang ina na si Rina Casino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN