Sabrina M to fellow celebs involved in drugs: "Sana tumigil na sila."

IMAGE Facebook photo of Sabrina M/GMA News Online

Sabrina M tells fellow celebrities, "Habang wala pa sila dito, ayusin na nila buhay nila kesa yung mahuli pa sila, makulong pa sila."


Nagsisisi ang dating sexy star na si Sabrina M sa pagkalulong niya sa ilegal na droga.

Sa panayam ni GMA News reporter Marisol Abdurahman, sinabi ni Sabrina na hindi niya naisip na mangyayari sa kanya ang mahuli habang gumagamit ng ilegal na droga.

“Di ko nga inisip na mangyayari sa 'kin 'to, akala ko dati sa pelikula lang. Yun pala, realidad na.

“Kung puwede ko lang ibalik yung nakaraan, sana di ko na sinubukan 'yan para di sa 'kin nangyari 'to," pahayag ni Sabrina, na nahulihan ng metamphetamine o mas kilala bilang shabu sa isang buy-bust operation kamakailan.

Read: Sabrina M arrested in buy-bust operation

Bagamat nahuling gumagamit, nilinaw ni Sabrina, Karen Pallasigue sa tunay na buhay, na hindi siya drug pusher.

Aniya, “Hindi naman ako nagtutulak, e. Kaya pinakamasakit yung ganun, yung medyo mainit sa showbiz.”

QUIT BAD HABIT. Dahil sa kanyang sinapit, may pakiusap si Sabrina sa mga katulad niyang showbiz personality na gumagamit din ng ipinagbabawal na gamot.

“Sa mga kasamahan ko sa showbiz, lalo na yung mga gumagamit pa, sa 'kin lang, sana tumigil na sila.

“Habang wala pa sila dito, ayusin na nila buhay nila kesa yung mahuli pa sila, makulong pa sila.”

Kaugnay nito, nauna nang nakiusap ang pangulo ng Actors Guild of the Philippines na si Rez Cortez sa mga kasamahan sa showbiz.

Aniya, “Nananawagan ako sa mga artista — at hindi lamang sa artista kung hindi sa lahat ng manggagawa ng pelikula at telebisyon — na mag-surrender na tayo bago humantong sa pagkahuli o, sa kasamaang palad, ay nagiging dahilan pa ng mitsa ng kanilang buhay dahil sa hindi sila sumurender.”

Handa raw tumulong ang grupo sa mga nais sumuko.

Read: Actors Guild president Rez Cortez makes plea to celebrities involved in illegal drugs


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN