Ai-Ai Delas Alas reacts to Mark Anthony Fernandez's imprisonment due to marijuana

IMAGE Noel Orsal / PNP Region 3

Ai-Ai Delas Alas on Mark Anthony Fernandez's plight: "Nakakalungkot si Mark. Nakasama ko to sa LET THE LOVE BEGIN. Mabait 'to, e. Kaso nga may feeling ako na may something 'to, e."


Ikinalungkot ni Ai-Ai Delas Alas ang pagkakakulong ni Mark Anthony Fernandez matapos siyang mahulihan diumano ng isang kilong marijuana sa Pampanga, noong gabi ng October 3, Lunes.

READ: Mark Anthony Fernandez tests negative for shabu, positive for marijuana

Sa kanyang Instagram post, kagabi, October 9, inilarawan ni Ai-Ai kung ano ang pagkakakilala niya kay Mark Anthony.

Nagkatrabaho raw sila sa GMA-7 primetime soap na Let The Love Begin noong nakaraang taon.

Sabi ni Ai-Ai, “Nakakalungkot si Mark. Nakasama ko 'to sa LET THE LOVE BEGIN. Mabait ‘to, e.

“Kaso nga may feeling ako na may something ‘to, e...

“Tawag nga namin dito INVISIBLE MAN... Kasi s’ya daw yun...”

Si Mark Anthony ay kasalukuyang nahaharap sa reklamong paglabag sa RA 9165 o An Act Instituting the Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinakamabigat dito ang reklamong illegal possession of drugs, na isinampa laban sa aktor.

Lalo pa’t isang kilong marijuana diumano ang natagpuan sa dalang sports car ng aktor noong siya ay naaresto ng pulisya noong October 3.

READ: Mark Anthony Fernandez may face lifetime imprisonment over alleged illegal possession of marijuana

Sa pagpapatuloy ng Instagram post ni Ai-Ai, nabanggit din ng comedy actress ang isa pang aktor na si Jiro Manio, na nasangkot din sa ilegal na droga.

"Naalala ko si Jiro tuloy. Yung dra [doktora] na ininterview DRA ni JIRO YUN...

"Hay nakooo... Tama nga, prayers na lang muna...

"Buti si Jiro tahimik na sa kinalalagyan n'ya... Malungkot."

Matatandaang si Ai-Ai ang nag-udyok kay Jiro na sumailalim sa rehabilitation program noong 2015 hanggang sa kasalukuyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN