Maja Salvador downplays viral photo with John Lloyd Cruz

IMAGE Instagram photo of Maja Salvador

Maja Salvador on the possibility of having a romantic relationship with John Lloyd Cruz: "No, never, nakakatawa lang yun, parang di ko ma-imagine. Si Lloydie na tinatawag kong Itay, di ko ma-imagine him courting me, 'di talaga."


Ayaw ni Maja Salvador na mabigyan pa ng ibang kulay ang mabuting relasyon nila ng kapwa Kapamilya actor niyang si John Lloyd Cruz.

Matatandaan na kamakailan ay naging viral ang mga larawan nilang dalawa, na naging sanhi naman ng pang-iintriga ng ilang mga nakakita nito.

Read: John Lloyd Cruz and Maja Salvador hit the beach in Davao

Ngunit nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Maja sa anniversary concert ng FPJ's Ang Probinsyano, nilinaw niya na walang espesyal na relasyong namamagitan sa kanila ng kapwa niya Star Magic talent.

Tulad ni John Lloyd, sinabi rin niyang magkaibigan lang sila.

Reaksyon ni Maja, “Ano bang photos yun?

“Yung poster ng How To Be Yours? Davao?

“Nakaupo lang kami sa yate, ano naman yun?

“Buti sana kung nagki-kiss kami or what.

“Wala naman, para lang may ma-report kayo kaya nilagyan ng kulay pero wala talaga.”

Sa kabila ng pag-uugnay sa kanila, sinigurado naman ni Maja na hindi ito nakaapekto sa pagkakaibigan at closeness nila ni John Lloyd.

Aniya, “Di porke’t may mga issues po na lumabas na ganun, e, lilimitahan na yung paglabas namin.

“Hindi naman date yun, minsan nga lumalabas kaming dalawa pero wala talagang malisya.”

JOHN LLOYD AS MAJA'S ITAY. Sa isang interview ng Cinema News kay John Lloyd, nabanggit nito na nababaduyan siya sa pagli-link sa kanila ni Maja.

Read: John Lloyd Cruz on rumored romance with Maja Salvador: 'Nababaduyan talaga ako.'

Dahil daw nauugnay sina Bea Alonzo at Gerald Anderson ay kasunod nang binigyan ng kulay ang closeness nila ni Maja.

Dating magkasintahan sina Maja at Gerald, samantalang kilalang naging ka-love team ni John Lloyd si Bea at naisyu ring may espesyal na namamagitan sa kanila, pero itinanggi ni John Lloyd.

Sinag-ayunan ni Maja ang pahayag ni John Lloyd, na kabaduyan ang ginagawang pang-iintriga sa kanila ng aktor dahil tinuturing niya itong isa sa pinakamalapit niyang kaibigan sa industriya.

Aniya, “Yun nga tinatawanan lang namin, tulad nga ng sabi niya, baduy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala kaming magagawa, nandito tayo sa industriyang ito.

“Malalagyan at malalagyan ng malisya kung anuman yung pictures na i-post namin sa IG.

“Mayroon kasing di nakakaalam kung gaano kami ka-close dalawa.

“Sobrang lalim ng friendship namin, same handler kami kaya ganun.”

Sa katunayan, hindi raw pumasok sa isip niya kahit kailan na puwedeng manligaw sa kanya ang aktor.

Saad niya, “No, never, nakakatawa lang yun, parang di ko ma-imagine.

“Si Lloydie na tinatawag kong Itay, di ko ma-imagine him courting me, ‘di talaga.”

Subalit inamin ni Maja na pinagbawalan na siya ng kanilang talent management na tawaging Itay si John Lloyd.

Kwento niya, “Bawal ko na siyang tawaging Itay dahil pinagbawalan kami.

“Kasi siguro di kami makagawa ng project because of that.

“Parang nagkakaroon ng limitation, pag nagtatawagan kami ng Baby Girl at Itay.

“Hayun, the management nag-meeting, nasabi.

“Para magkaroon naman ng chance na magkatrabaho in the future.

“Siyempre gusto ko namang makatrabaho ang isang John Lloyd Cruz.

“Ipagdasal natin yun, kung mayroon man, ipagdasal natin yun.”


HAPPY FOR BEA, GERALD. Samantala, nagpahayag naman ng saya ang aktres kung totoo man ang balita tungkol sa pagkakabalikan nila Bea at Gerald.

Lahad ni Maja, “Uso naman yun sa industriya natin yung nagpapalit or nilalagyan nga ng issue.

“Yes, oo… sa lahat, gusto kong maging masaya ang lahat.

“Wala akong karapatang pigilan ang happiness ng isang tao.

“If they are happy, oo naman, lalo na si Bea.

“Si Bea sobrang special sa akin from the start ng career ko.

“Sa It Might Be You, yung teleserye nila ni John Lloyd ang una kong teleserye.

“Kaya sobrang special sa akin si Bea.

“Kung hindi pa ako naka-move on siguro mahe-hurt ako.

“Pero it’s been what, almost two years, ang tagal na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN