Gary Valenciano clarifies easy attraction of son Gab to women

IMAGE Alven Tangub

Gary Valenciano on son Gab: "Gab is a naturally friendly kind of person. Naging mabait siya ng kahit kaunti sa babae, laging mali-link na, 'Uy, baka yun ang rason.' Hopefully, in the course of time, makikita din ng tao ang totoo."


Aminado si Gary Valenciano na apektado siya paghihiwalay ng kanyang anak na si Gab Valenciano at ng asawa niyang si Tricia Centenera.

Sabi nga niya,“I am affected because they are my children.

“Flesh and blood ko si Gabriel and I love Tricia very, very much.

“Siyempre, dahil napakaengrande ng kanilang kasal, ’tapos ganun ang mangyayari."

Gayunman, nanalig ang kilalang music artist na may pag-asa pang maayos ang relasyon nina Gab at Tricia.

Aniya, “I always believe that nothing is impossible with God.

“Kung ako buhay pa after thirty-eight years of being a diabetic.

“Siguro puwede pang mabuhay at maiwan na masigla at nabubuhay pa rin ang marriage nila.”

Samantala, siniguro ni Gary V. na nasa mabuting kalagayan ngayon ang kanyang pangalawang anak.

Buo raw ang suporta nila bilang pamilya kay Gab.

Lahad niya, “Gab is okay, alam naman natin na medyo may mga pagsubok na hinaharap.

“But I think every family goes through it, we’re handling it as a family.”

Nakapanayam si Gary V. ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang Ang Probinsyano, Isang Pamilya Tayo The Concert nung Sabado, October 8.

Sa concert ay kinanta ng singer ang theme song ng FPJ’s Ang Probinsyano.


WITHIN THE FAMILY. Hindi nga tinago ni Gary na malapit sa kanya ang manugang.

Kahit ano nga raw ang mangyari ay mananatiling hindi iba sa kaniya si Tricia.

Aniya, “I’m very close to Tricia. Tricia is always going to be my daughter.

“Mayroon talaga silang mga pinagdaanan.

“I’d like to tell people… there are things you keep within the family.

“Because that’s the only way it can be solved.

“Within the family, so I’ll keep it that.”

Pero ibinulgar ni Tricia sa mga social media posts niya ang issue ng infidelity.

Lumabas dito ang ilang pangalan ng mga babae na third party daw sa paghihiwalay ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nadamay dito ang nakakabatang kapatid ni Yassi Pressman na si Issa Pressman, ang kapatid ni James Reid na si Lauren Reid, at si Alodia Gosiengfiao.

Agad naman itong nilinaw ni Gary.

Aniya, “There will always be a third party that will come out.

“Gab is a naturally friendly kind of person.

“Naging mabait siya ng kahit kaunti sa babae, laging mali-link na, ’Uy, baka yun ang rason.’

“I don’t think that’s the case. Hopefully, in the course of time, makikita din ng tao ang totoo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN