Cesar Montano reacts to Sunshine Cruz's rumored romance with Macky Mathay

IMAGE Noel Orsal

Ito ang mensahe ni Cesar Montano sa balitang may namamagitan na sa kanyang estranged wife na si Sunshine Cruz at kay Macky Mathay: "Relieved to hear of the news. Sana ito na nga ang chance niya na maging tunay na maligaya. My very best wishes go to her."


Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa rumored relationship ni Sunshine Cruz kay Macky Mathay, ang asawa ni Camille Farinas, na anak naman ni Ilocos Norte Rep. Rudy Farinas.

Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz is dating Macky Mathay, says source

Kaya ang reaksiyon ng estranged husband ni Sunshine na si Cesar Montano ang hinihintay ng lahat.

Hindi naman naging maramot si Cesar nang hingin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang opinyon niya tungkol sa bagong kabanata sa love life ng kanyang estranged wife.

Sa kanyang short but sweet statement, sinabi ng multi-awarded actor, “Relieved to hear of the news.

“Sana ito na nga ang chance niya na maging tunay na maligaya.

“My very best wishes go to her.”

May tatlong anak na babae sina Cesar at Sunshine, samantalang tatlo rin ang anak nina Macky at Camille.

Sa parte naman ni Cesar, naugnay siya sa starlet na si Krista Miller at balitang may anak na siya sa beauty queen na si Sandra Seifert.

Read: Beauty queen Sandra Seifert pregnant with Cesar Montano’s child?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN