Gladys Reyes dismayed over sensationalized coverage of Mark Anthony Fernandez's arrest

IMAGE Noel Orsal

Gladys Reyes on news about Mark Anthony Fernandez's arrest over illegal drugs: "Alam mo, sa totoo lang, nung nakita ko yung sa balita, tapos nung pinapasok na siya dun sa kulungan, naiyak ako! Na-teary eyed ako kasi sa akin, kailangan pa bang ipakita yun?"


Halu-halong emosyon daw ang naramdaman ni Gladys Reyes sa pagkaaresto ng kapwa-artistang si Mark Anthony Fernandez.

Matatandaang noong Oktubre 10 ay nahuli ng pulisya si Mark Anthony na may dala diumanong isang kilong marijuana habang sakay ng kotse nito sa Pampanga.

Read: Mark Anthony Fernandez denies possession of illegal drugs when he was arrested

Sabi ni Gladys, “Alam mo, sa totoo lang, nung nakita ko yung sa balita, tapos nung pinapasok na siya dun sa kulungan, naiyak ako!

“Na-teary eyed ako, kasi sa akin, kailangan pa bang ipakita yun?

“Sa akin lang, naiyak ako para sa isang katrabaho…

“Kung tutuusin, hindi ko naman siya talaga kamag-anak, pero mahe-hurt ka para sa katrabaho mo, e.”

Hindi maiwasang maapektuhan ni Gladys lalo na’t “fresh” pa raw sa alaala niya ang pagsasama nila ni Mark Anthony sa GMA-7 primetime soap na Let The Love Begin noong 2015.

Paglalarawan ni Gladys sa 37-year-old actor, “Well, kasi si Mark naman, magaan namang katrabaho tsaka wala naman kaming naging problema sa kanya during nung time namin na magkakatrabaho.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa taping ng Oh, My Mama! nitong Biyernes, October 7, sa Marikina City.

Hangga’t maaari ay ayaw raw hushagan ni Gladys ang pagdakip at pagkulong kay Mark Anthony dahil sa illegal drugs.

Pahayag ng aktres, “But then again, meron siyang mga sariling reason niya kung bakit kailangan niyang gumamit nun, di ba?

“Sa akin, ang wini-wish ko, well… Tayo naman, kung may nagawa tayo talagang kasalanan, di ba, we have to face the consequences?

“Wala tayong magagawa, e. Kasi para maging parehas sa mundo, [kapag] may nagawa tayong mali, kailangan harapin natin yung consequences at matuto tayo mula sa pagkakamali na yun.”

Dahil patuloy pa rin ang imbestigasyon sa reklamong kinahaharap ni Mark Anthony, giit ni Gladys, “At kung may mga nagawa ngang pagkakamali.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, mas kailangan daw ni Mark Anthony ng pagmamahal at pang-unawa mula sa mga kapamilya at kaibigan nito.

Saad ni Gladys, “Hindi na kailangan siguro yung mga tipong, ‘Ayan, mabuti!’

“Huwag na! Kasi I’m sure alam na niya yun sa sarili niya.

“Yun na lang support system.

“Kasi malulugmok ka na nga dun sa kinasasadlakan mo na yun, di ba?

“So, malaking bagay na alam mong hindi naman ang buong mundo galit sa ‘yo.

“Yung ganun, malaking boost iyon sa morale mo.”

Si Ai-Ai delas Alas, na dati ring Let The Love Begin co-star ni Mark Anthony, ay nalungkot din sa sinapit ng aktor.

Read: Ai-Ai delas Alas reacts to Mark Anthony Fernandez's imprisonment due to marijuana


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN