Ai-Ai delas Alas visits Jiro Manio at wellness center: "Siya ay buhay na buhay."

IMAGE Instagram photo of Ai-Ai delas Alas

"Nung nakita niya ako, sobrang umaliwalas ang face ni Jiro," says Ai-Ai delas Alas about her visit to former child star Jiro Manio at wellness center.


Tila nasa maayos na kalagayan na ngayon ang dating child star na si Jiro Manio.

Ito ay base sa mga larawang ipinakita ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram followers kanina lamang, October14.

Sa caption ng larawan nilang dalawa, sabi ng Queen of Comedy: “Nabisita ko din ang aking anak... at sya ay buhay na buhay.... i miss you anak”

Nabisita ko din ang aking anak ... at sya ay buhay na buhay .... i miss you anak ????

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

Kasunod nito ay nag-post si Ai-Ai ng video kung saan makikitang sumasayaw si Jiro.

Ayon kay Ai-Ai, “maaliwalas ang face ni Jiro” nang makita siya ng binata, na naging anak niya sa hit film series na Tanging Ina.

At may dance number sila ... at nung nakita nya ko sobrang umaliwalas ang face ni jiro ... #wefoundloveinahoplessplace

A video posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

Tumatayong foster parent ni Jiro si Ai-Ai simula nang matagpuan ang Magnifico star na palabuy-laboy noon sa airport.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anak ni Ai-Ai na si Sancho delas Alas, sinabi nitong nagpasiya silang manatili na lamang si Jiro sa isang wellness center para mas matutukan ang recovery nito.

Aniya, “Dun po siya natututukan tsaka dun po nag-start yung recovery niya

“So, feeling po ni Mama, dun din po yung pinaka-best na ibalik po siya for now.”

Read: Sancho delas Alas explains why Jiro Manio was sent back to rehab


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN