Sunshine Cruz-Macky Mathay 'HHWW' photo goes viral

IMAGE Courtesy: Arwin Matias on Facebook

Nakuha pang mag-selfie ng isang netizen habang tumatawid sa isang kalsada sa Bonifacio Global City, kung saan nakasabay nito sina Sunshine Cruz at Macky Mathay na magka-holding hands pa. Ayon sa naturang Facebook user, sayang daw kasi ang pagkakataon.


Hindi inakala ng isang netizen na dahil sa kanyang selfie picture ay mabubunyag sa publiko ang estado ng bagong love life ng aktres na si Sunshine Cruz.

Nitong nakaraang October 9, nag-post si Arwin Matias sa kanyang Facebook account ng dalawang litrato kung saan kitang-kita sina Sunshine Cruz at Macky Mathay habang tumatawid ng kalsada nang magka-holding hands.

Kuha raw ito sa isang lugar sa Bonifacio Global City, Taguig.

Hindi raw kilala ng FB user ang lalaki, at inakala pa nga niyang ito ay ang estranged husband ng aktres na si Cesar Montano.

Nakalagay sa caption: “I thought it was Cesar. Lols.”

Mabilis na kumalat sa social media ang mga naturang larawan.

SUNSHINE IS DATING MACKY. Kinabukasan, October 10, may nakausap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang source na malapit sa dalawa at kinumpirma nitong nagdi-date sina Sunshine at Macky.

Pareho nang hiwalay sina Sunshine at Macky sa kani-kanilang mga asawa.

Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz is dating Macky Mathay, says source

Sa pareho ring petsa, pabirong humingi ng paumanhin ang Facebook user na si Arwin na dahil daw sa kanyang in-upload na larawan ay nabunyag ang bagong love life ni Sunshine.

Sabi niya: “Sorry na, Sunshine. I don't mean anything here. I just posted your picture just for my friends. Sana crinop ko nlng yung guy para tayo nlng naging trending! Hahaha.”

Samantala, sinabi naman ni Cesar na masaya siya sa love life ngayon ni Sunshine.

Read: Cesar Montano reacts to Sunshine Cruz's rumored romance with Macky Mathay


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN