Max Eigenmann responds to basher's remark about her 'big revelation'

IMAGE Instagram

Max Eigenmann responds to a netizen who made a sly comment about Max's revelation that Jake Ejercito is the real father of Andi Eigenmann's daughter.


Wala nang narinig mula kay Max Eigenmann pagkatapos niyang ibunyag na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng anak ng kanyang half-sister na si Andi Eigenmann.

Nangyari ang rebelasyong ito ni Max nang mag-guest siya sa podcast show ni Mo Twister na Good Times With Mo noong September 22.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Pero sa isang recent Instagram post ni Max, nag-react ang aktres nang magkomento ng hindi maganda ang isang netizen.

Nag-post ng picture si Max na nasa Baguio ito noong nakaraang linggo.

When in Baguio ????????????????????

A photo posted by Max Eigenmann (@slinkymax) on

Isang basher (@ilovealexaluna) ang nagkomento at sinabihan si Max na manatili na lang siya sa Baguio para hindi na raw ito maglabas ng anumang hindi dapat ilabas.

“Tama, jan ka nalang babe, para wala ka masyado ma-reveal ng di naman dapat.”


Tinanong ni Max ang netizen kung ginawa ba nito ang account para sabihin lang iyon sa kanya.

“I’m flattered,” dugtong niya.


Naka-private ang nasabing Instagram account ng netizen. Wala rin itong posts at followers.

Naging malaking usapin sa showbiz ang nangyaring rebelasyon ni Max.

Nang mabuntis si Andi noong 2011, ang itinuro niyang ama ng kanyang dinadala ay ang ex-boyfriend niyang si Albie Casino.

Ngunit pagkalipas ng limang taon ay nabunyag ang katotohanang si Jake ang ama ng anak ni Andi.

Pagkatapos nito ay naglabas ng kani-kanilang statement sina Andi at Jake, gayundin si Albie.

Sa pahayag nina Andi at Jake, hindi man nila direktang inamin ay wala rin silang itinanggi o naging paglilinaw sa rebelasyon ni Max.

Read: Jake Ejercito posts emotional message for future Ellie

Read: Andi Eigenmann breaks silence on paternity issue of her daughter


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN