Lea Salonga fed up with haters on social media: "If you can't help, don't be a burden."

Umapela si Lea Salonga na sana ay matigil na ang walang kapararakang social media posts tungkol sa away-pulitika.

Sa kanyang Instagram post kahapon, October 18, hinikayat ng Broadway star ang kanyang social media followers na magtaguyod ng responsableng diskurso sa kani-kanilang opinyon sa nangyayari sa bansa.

Sabi ni Lea, “We all need to take a step back, take a deep breath, and allow civility to return. For all our sakes, regardless of political affiliation.#NoToHate

Nagbahagi rin si Lea ng mga quote card mula kay Iwi Laurel, dating singer at misis ng yumaong musikero na si Noli Asensio.

Sabi ni Lea,Translation: if you're not part of the solution, you're part of the problem. More literally, if you can't help, don't be a burden. Thanks, Iwi Laurel for this nugget of wisdom.”

Dagdag ni Lea, hindi makakatulong ang pagkalat ng below-the-belt comments sa social media.

"Ewan ko ba... Pero sana itigil na ang kalokahan na iyan. The hate does no one any favors."

Walang direktang sinabi si Lea kung ano ang pinanggalingan ng kanyang paalala sa kanyang social media followers.

RECENT SOCIAL MEDIA CONTROVERSY. Ngunit noong Sabado, Oktubre 16, matatandaang ikinagulat ng The Voice coach ang kontrobersiya tungkol sa pagpanaw ng mister ni Iwi na si Noli Asensio.

Naging usap-usapan kasi sa social media ang maling impormasyon na si Asensio ay “victim of Duterte’s war on drugs,” sanhi ng umano'y miscommunication sa Facebook posts nina Cynthia Patag at misis ni Jim Paredes na si Lydia.

READ: Cynthia Patag, Jim Paredes in hot water for linking death of Iwi Laurel's husband to Duterte's war on drugs

Hindi maiwasang mabahiran ito ng pulitika dahil sa pagbanggit ng pangalan ni President Rodrigo Duterte.

Dagdag pa rito ang pagtawag ng anak ni Iwi na si Nicole Laurel kina Cynthia, Jim, at Lydia na “yellowtards.” Ang salitang yellowtards ay bansag ng Duterte supporters sa avid supporters ng administrasyon ni former President Benigno “Noynoy” Aquino III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, humingi ng dispensa sina Cynthia at Jim kay Iwi sa gitna ng pagdadalamhati nito sa pagpanaw ni Noli dahil sa cardiac arrest.

READ: Cynthia Patag says sorry for false FB post about musician's death: 'It was a simple case of 'wrong send.''


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN