Denise Laurel, Sol Mercado call off long engagement

IMAGE Jerome Ascano

Denise Laurel apologizes for announcing breakup with longtime fiance Sol Mercado a day after Barangay Ginebra earned championship: "I didn't think before posting that it would rain on his hard earned championship and he deserves all the best please!!"


Idinaan ni Denise Laurel sa Instagram posts ang pagpapaalam sa publiko ng tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang fiance na si Sol Mercado.

“From now on Sol and I are just friends,” ito ang sinabi ni Denise sa unang post niya kanina, October 20.

Hindi nagbigay ng anumang detalye si Denise tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang fiance.

Sa halip, sinabi niya, “I am very happy for him and I have learned so much from him!

“But please don't tag me first on anything that has to do with him. :)

“We both tried our best. Thank you, appreciate you all.”

Sa kanyang sumunod na Instagram post, nilinaw ni Denise, “Sol he did not cheat on me he didn't do anything wrong.

“We both been trying for a while now :)”

Sinabi rin niya na naging magandang impluwensiya sa kanya ang longtime boyfriend niya.

“He's amazing and brought so much into my life :) God has something's planned for us both,” sabi ng Kapamilya aktres.

Nabura na sa kanyang Instagram account ang dalawang naturang post.

HORRIBLE TIMING.” Ilang sandali pa ang nakaraan, muling nag-post si Denise sa kanyang Instagram upang makiusap na huwag guluhin ang kanyang dating boyfriend, na miyembro ng PBA team na Barangay Ginebra.

Hindi raw niya naisip na hindi maganda ang magiging epekto ng kanyang mga naunang post sa dating fiance, na kasalukuyang nagdiriwang sa unang championship niya bilang miyembro ng Barangay Ginebra.

Walong taon din ang hinintay ng naturang koponan para muling maging champion sa PBA.

Kagabi, October 19, nakita pa si Denise sa Araneta na nanalangin para sa laro ng Barangay Ginebra laban sa Team Meralco.

Sabi ni Denise, “I apologize I didn't think this through on posting I just wanted to not hear about him first at this time.. people are bothering Sol now and he really didn't do anything at all!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I didn't think before posting that it would rain on his hard earned championship and he deserves all the best please!!”

Kasunod nito, humingi rin siya ng paumanhin sa pamilya ni Sol.

Aniya, “I apologize to Sol and his family..

Please everyone Sol is wonderful a real good person and that was selfish in my part not to think and post.. very selfish of me my timing is horrible.”

Taong 2013 nang magsimula ang long engagement nina Denise at Sol.

Sa dating interview ng PEP, sinabi ng aktres na taong 2016 or 2017 nila balak magpakasal.

Read: Denise Laurel prefers long engagement with fianc Sol Mercado

Pero noong June 2016, sinabi ni Denise na postpone muna ang plano nilang pagpapakasal. Ilan sa mga dahilang nabanggit niya ay “Kailangang pag-ipunan” at “Ang hirap kasi ng schedule ko, at saka schedule ng PBA medyo magulo.”

Read: Denise Laurel postpones wedding with Sol Mercado

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ni Sol Mercado tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN