Laarni Enriquez wants Andi Eigenmann to confirm if Jake Ejercito is the real dad of Ellie

IMAGE Allan Sancon

Laarni Enriquez on accepting Ellie as part of their family: "Marami kaming bata na minamahal na hindi namin kaanu-ano na inaalagaan namin, what more kung talagang kadugo namin, yung sa amin? Siyempre tatanggapin namin, mamahalin namin, ipagmamalaki namin."


Gusto ni Laarni Enriquez na sa mismong bibig ni Andi Eigenmann manggaling ang pag-amin na ang anak niyang si Jake Ejercito ang tunay na ama ni Ellie.

Ito ay sa kabila ng sinabi ng kapatid ni Andi na si Max Eigenmann na nagkaroon na ng paternity test at nalaman mula rito na si Jake ang ama ng anak ni Andi.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Bagamat hindi pa rin nila direktang sinasabi, may pahiwatig na sina Andi at Jake na ang huli ang tunay na ama ni Ellie.

Read: Andi Eigenmann breaks silence on paternity issue of her daughter

Read: Jake Ejercito posts emotional message for future Ellie

Pahayag ni Laarni tungkol dito, “Alam mo, ang importante kasi diyan kung ano ang sasabihin ng nanay.

“Ako, naghihintay lang ako and I’m open, I can accept.

“Ang importante kasi, kumbaga sa mag-nobyo na secret, kailangan ang umamin ay ang lalaki, di ba?

“Yun ay kung magnobyo pa lang, lalaki ang aamin, ang lalaki ang mag-a-announce.

“Siguro let’s just wait for Andi.

“Nagbigay na naman siya ng statement and I think nandun na namang lahat sa statement na yun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Laarni sa Star Awards for Music and TV ng PMPC, na ginanap sa Novotel Hotel, nitong Linggo ng gabi, October 23.

Si Jake ang nanalo bilang Best New Male TV Personality para sa Eat Bulaga! Lenten special na God Gave Me You.

Read: Jake Ejercito dedicates first acting award to daughter Ellie

ACCEPTANCE. Sinabi rin ni Laarni na mapatunayan lang na anak talaga ni Jake si Ellie ay tatanggapin nila ang bata nang buong puso.

“Naku, marami kaming bata na minamahal na hindi namin kaanu-ano na inaalagaan namin, what more kung talagang kadugo namin, yung sa amin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre tatanggapin namin, mamahalin namin, ipagmamalaki namin.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Manila Mayor Joseph Estrada tungkol sa isyung ito?

“A, hindi pa siya ganung updated, honestly,” sagot ni Laarni.

Sa ngayon ay masaya at inspirado raw si Jake, pero naniniwala si Laarni na mahaba pang proseso ang kakailanganin at ipauubaya na raw niya ang mga susunod na mangyayari sa anak at kay Andi.

Dagdag niya, “Let them process everything. Matatanda na sila, they should know what to do.”

PROUD MOM. Samantala, very proud naman si Laarni sa karangalang nakuha ng kanyang anak.

Pahayag niya, “Siyempre, kamukha ng lahat mga nanay, kahit anong achievements ng anak mo naman, malaki, maliit, kahit sa school, ngayon dun sa performance niya, siyempe proud na proud ako.”

Magtutuluy-tuloy na ba si Jake sa pagsabak sa showbiz?

Ayon kay Laarni, “Hindi ko alam kung ano talaga ang desisyon ni Jake.

“For now, yun lang paglabas-labas niya pag nai-invite siya.

“Ang pangako niya lang tatapusin niya ang pag-aaral niya, which is malapit na malapit na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN