Sunshine Cruz mum about relationship with Macky Mathay

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Cruz on her future partner: "I should be with someone who will inspire me, hindi yung pababagalin yung situation for you."


Tikom pa rin ang bibig ni Sunshine Cruz pagdating sa kanyang bagong love life.

Tila natawa lamang ang celebrity mom nang kamustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang buhay pag-ibig sa product launch ng Ever Bilena noong Martes, Oktubre 25, sa Limbaga 77 Restaurant, Quezon City.

Kamakailan ay may lumabas na larawan ang aktres na naglalakad habang ka-holding hands ang half-brother ni Ara Mina na si Ismael ‘Macky’ Mathay IV sa BGC, Taguig.

Read: Sunshine Cruz-Macky Mathay 'HHWW' photo goes viral

Dito rin sa PEP unang kinumpira ng isang source na nagde-date nga ang dalawa.

Ayon sa nasabing source, “Bago lang sila [nagdi-date], recently lang sila nagdi-date.”

Pinasinungalingan din ng source ang paratang na homewrecker si Sunshine, sapagkat lagpas isang taon na raw hiwalay si Macky sa asawa nitong si Camille Farinas, anak ni Congressman Rudy Farinas ng Ilocos Norte.

Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz is dating Macky Mathay, says source

Tinanong ng PEP si Sunshine kung open ba ang kanyang tatlong anak na babae sa "dating" status niya.

Sagot niya, “My kids always tell me na, 'Mom, you should date because you deserve that.'”

Wala rin daw siyang nakikitang mali sapagka’t matagal naman na silang naghiwalay ng asawa niyang si Cesar Montano.

Pahayag ni Sunshine, “I’ve been separated for almost four years and ongoing ang annulment.

“And I’m very positive naman na magiging okay.

“And, I guess, my ex and I are both moving forward and we are both happy sa buhay namin.”

Maliban sa mga anak at trabaho, may mga iba rin daw na prayoridad ang aktres gaya ng kanyang pag-aaral.

“I’m trying to finish my studies. I'm taking up AB Psychology.

“So siyempre kung meron tayong prayoridad, yung mga bagay na munang yun.”

Kung bibigyan naman daw siya ng love life sa puntong ito, isa lamang ang kanyang hinihiling.

“And kung may love life, I should be with someone who will inspire me, hindi yung pababagalin yung situation for you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN