Rez Cortez: Don't expose celebrities on drug list

IMAGE Noel Orsal

Veteran actor Rez Cortez says name-shaming celebrities in drug list won't help them. "Kaya tulungan na lang natin. Hindi matutulungan by exposing their names." 


Hindi sang-ayon si Rez Cortez na pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga artistang sangkot sa illegal drugs.

Ayon sa pangulo ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) o Actors Guild of the Philippines, hindi makakatulong ang pagbubunyag ng pangalan ng mga artistang ito para magbago sila.

Bagkus, baka lalo pa raw itong ikasira ng kanilang reputasyon.

“Ang sa akin nga, hindi dapat i-expose yung mga pangalang yun, kung may listahan man sila.

“Para sa akin, hindi dapat i-expose ito dahil ito ay mga drug users.

“Yun nga lang, naturingan na artista,” pahayag ni Rez sa panayam sa kanya ng dZBB at nailathala sa GMA News Online ngayong Biyernes, October 28.

Dugtong ng aktor, ang dapat na pinapangalanan ng PNP ay ang drug lords, pushers, at protectors ng mga artistang gumagamit ng ilegal na droga.

Matatandaang inihayag ni Philippine National Police Chief Director Ronald “Bato” dela Rosa na isinumite na nila kay Pangulong Duterte ang pangalan ng mga artistang sangkot sa illegal drugs.

Read: 30 celebs on drug watchlist submitted to Malacañang, says PNP chief

May listahan din daw ang Malacanang ng mga artistang nasa drug watchlist, na kinabibilangan umano ng host ng isang toprating TV show.

Read: Host of toprating TV show included in new PNP drug watchlist

Ayon kay Rez, ang pagbubunyag sa pangalan ng mga artista ay hindi pagbibigay ng special treatment sa mga ito.

Diin niya, ang mga pinapangalanan ni Pangulong Duterte ay mga drug lords at pushers.

“Yung mga artista, mga users. Kung papangalanan mo yung mga artista na user, pangalanan mo rin yung three million na users.”

Saad pa ng aktor, hindi makakatulong sa mga artistang ito kung isasapubliko ang kanilang pagkatao. Baka raw sa halip na makatulong ay lalong makasama ito sa kanilang buhay.

“Wala itong sinisirang buhay. Ang sinisira lang nilang buhay, yung sarili nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya tulungan na lang natin. Hindi matutulungan by exposing their names.

“Yun ang hanapbuhay ng artista. Pag nasira ang buhay ng artista, baka lalo lang malulong sa bawal na gamot dahil nasira ang kanilang reputasyon.”

Nakipag-ugnayan na raw si Rez kay PNP Chief Dela Rosa hinggil sa isyu at handa raw nilang tulungan ang mga artistang drug users upang lumapit sa mga awtoridad.

Samantala, umalma naman ang asawa ni Rez na si Candy Cortez sa akusasyon sa aktor na isa raw itong “drug protector” dahil sa pagtatanggol sa mga artistang drug users.

Depensa ni Candy, ang gusto lamang ng kanyang mister ay matulungan ang mga katrabahong nangangailangan ng tulong dahil siya ang pangulo ng Actors Guild.

Read: Rez Cortez's wife cries foul over 'drug protector' tag against actor


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN